THIRTY ONE

203 17 8
                                    

"Tingnan mo si Vice parang tanga. Kanina pa 'yan tulala tapos nakahawak sa labi niya" Puna ni Vhong sa kaibigan na nakaupo lang sa isang tabi.


Gugulatin pa sana nila ni Jhong kaso umalis ito kaagad sa pwesto niya at pumasok sa dressing room. Tapos na rin naman ang show kaya maari na silang umalis.



"Guys! May plano ako para kay Vice. Promise! Masaya 'to" Nagkumpulan ang hosts habang si Vice at nagpatuloy na sa pag-alis.



Ilang araw matapos ang nangyari ay hindi na niya muling nakausap ang kaibigan. Umalis ito nang hindi nagpapaalam at pinutol na rin ang kahit anong komunikasyon nila. Pinuntahan niya ito sa tinitirhan nila pero wala doon ang pamilya niya dahil nasa probinsya.


"Paano ko 'to lilinawin kung ganito? Ni hindi ko manlang nalaman ang buong kwento. Bigla na lang aalis at lalayo. Hayy. Mga babae nga naman"


"Dadddddyyyyy!!" Masayang salubong ni Jaice sa daddy niya pagpasok pa lamang nito sa isang sikat na coffee shop.



Napansin niya rin ang kasama ni Jaki pero nagpokus na lamang ito sa anak niya.



"Vice, pwede ba kita makausap sandali bago kayo umalis ni Jaice? May sasabihin sana ako"



"Sure" maikling sagot niya. Isinama muna ni Ion si Jaice at umorder. Binigyan ng oras na makapag-usap ang dalawa.


"Paano ako?"


"Matatagalan kami doon. Kaya nga nagsasabi na ako sayo"



"Ako ang magsusuffer? Ako ulit?"



"Vice..."



"Bakit hindi na lang maiwan si Jaice dito habang inaasikaso niyo yung kasal? Then kapag okay na saka mo siya balikan. Palagay ko mas okay 'yon"



"Vice."


"Pag-isipan mo. Ilang taon ang kailangan kong bawiin para makasama ang anak ko tapos ilalayo mo ulit sa akin?..."



"Kunin ko na 'tong gamit ng anak natin. Pagkatapos mo magpaalam, isunod mo siya dun sa sasakyan ko" Walang emosyong sabi ni Vice.



Hindi na siya papayag na muling malayo ang anak niya sa kanya. Hindi pwedeng palagi na lamang siyang papayag sa kagustuhan ni Jaki.

.

.

.

"Nasaan si Jaice?"



"Nasa labas Tito" Sagot ni Camille.



"Nasa labas? Sinong kasama? Bakit pinayagan mo?"


"Yung maid at isa pa Tito nakahanap siya ng kalaro mukha ngang matagal na silang magkakilala"


Gulong gulo na lumabas ng bahay si Vice.



"Nasaan---"



"Ayun Sir, nakikipaglaro" Sabay nguso ng katulong sa di kalayuan.



"Hi Tito Vice!" Sigaw ng isang bata.



"Jelo?"


"Taym pers! Taym pers!" Saad niya bago sila lumapit ni Jaice sa kinatayuan ni Vice.



"Daddy! Dun lang po siya nakatira oh" Ilang bahay lang pala ang pagitan nila. Akalain mo nga naman.


"Kapitbahay pala kita" Ginulo gulo niya ang pawisang buhok ng bata.



Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now