TWENTY ONE

294 21 7
                                    

"Ganda nang ngiti mo ah" Siniko pa ako ni Vhong habang pabalik kami sa studio. Matapos kasi nung tamis tamisan moment daw namin sabi nga ni Anne ay umeksena na si Direk kasi nga may trabaho pa.



"So tuloy tuloy na ba 'to? Mag-eexpect na ba kami?" Tanong pa ni Anne.


"Expect? Baliw. Kaya tayo madaling nasasaktan kasi hilig natin mag-expect" saad ko bago ko sila inunahan sa paglalakad. Kung di pa ako lalayo ay malamang kung saan saan mapunta ang usapang namin.



Pero ano nga kaya kung ituloy tuloy ko na? May pag-asa pa naman diba?





Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Jaice at Jaki papunta sa bahay ko para kunin ang mga gamit nitong anak namin. Wala ang team ko pati ang driver. Mukhang napagkaisahan nila ako kanina. Nagdahilan pa na rarampa sila at may emergency DAW yung driver ko. If I know gusto lang nilang makasama ko itong dalawa sa tabi ko.




Nakakaloko man pero nagpapasalamat pa din ako sa kanila. Kahit paano ay binigyan nila kami ng quality time.




Teka? Paano naman naging quality time kung tulog lang si Jaki sa tabi ko?




"Daddy are you okay? You're so weird. You smile like this and then you frown" panggagaya nitong si Jaice sa akin.



"Paulit nga? Pakita nga nung panggagaya mo sa akin?" Pang-uuto ko sa kanya na inulit naman niya. Napakacute talaga.





"May iniisip lang si Daddy"





"Si Mommy ko po iyan no?" Pang-aasar pa niya.





Isa pa itong makulit na batang ito.  Akala niya yata hindi ko napansin ang plano niya kanina. Kunwari pang magpapabuhat 'yon naman pala ay gusto niya kaming mag-group hug.





"Ikaw ah, naisahan mo si Daddy kanina" saad ko sa kanya habang tutok sa pagdadrive.





"Hindi naman po. Gusto ko lang po mag-group hug tayo nila Mommy. For sure naman po hindi lang ako ang nakamiss sa kanya, diba po?"




Nilingon ko siya sandali. Pinapaikot at pinapaamin na naman ako nitong munting prinsesa ko.




"Dad, pwede naman po umamin kung namimiss mo si Mommy. Hindi naman po bawal iyon" dagdag pa niya.






"Ssshhh hinaan mo ang boses mo. Natutulog si Mommy mo at ang likot mo diyan sa lap niya. Mamaya magising pa siya malaman niya na siya ang pinag-uusapan natin" pagdadahilan ko.




"Pero namimiss mo nga po?" Pangungulit pa niya.




"Jaice..."




"Dad, yes or no lang po. Namiss mo din po diba si Mommy ko?"



Lumingon ako sa kanya bago tumango tango. Kita ko naman na napasmile siya at parang kinilig sa sagot ko. Hayyy. Batang ito talaga.





Tumigil rin muna ako dahil nakapula ang traffic light.






"Lipat ako diyan sayo Daddy" Hindi pa man ako sumasagot ay nakatayo at nakalipat na sa lap ko itong anak ko. Mabuti tinted ang sasakyan ko kundi malalagot kami sa enforcer na madadaanan namin.





"May kailangan ka siguro sa akin kaya ka nangungulit" Napangiti naman siya bago umiling.




"Nope, gusto ko lang po dito sayo kasi mamaya uuwi na kami ni Mommy sa bahay namin. Di po kita makakatabi sa pagtulog"




Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now