TWENTY TWO

248 19 11
                                    

"Bakit ka nga ba kasi tawag nang tawag? At ano yung I need you mo?"


"Wala nga lang 'yon" Pagdadahilan ni Steph na kasabay ko papunta sa studio. Nagbagong buhay na kasi ako kaya maaga na akong pumapasok. Kung may award lang for the Early Bird malamang nakapangalan na sa akin 'yon. Ay teka! Kailan pa naging bird ang isang horse na katulad ko? Okay joke 'yon. Hahaha.



"Wala? Stephanie Robles sinasabi ko talaga sayo kapag di ka pa umamin buburahin ko number mo, magpapalit na ako ng network.."



"Magiging Kapuso ka na?" Pagputol niya sa sasabihin ko.



"Baliw! Loyal Kapamilya ako"



"Ahh loyal kaya pala nagsimula ang journey mo sa Kapuso. Spell loyalty, J-O-S-E-M-A-R-I-E. Hahaha" Biro niya. Minsan talaga may sense ang mga joke niya.



"Fine. Loyal ako dati pero faithful na ako sa Kapamilya ngayon. Hindi na ako lilingon sa iba---"



"Pero magpapalit ng network. Hahaha" Ang hilig niyang umentra sa sasabihin ko at tumawa na din.



"Simcard kasi. Oh ayan na! Kulit mo" Umakbay ako sa kanya at nilock ang ulo niya sa braso ko. Playful lang naman pero kapag napikon ako baka itodo ko. Hahaha.




"Oh sige na. Pwede na bang dahilan na namimiss kita kaya napatawag ako at napatext nang ganun?"



"Hmm. Ako nga Steph ay wag mo pinagloloko. Bakit mo naman ako mamimiss?"



"Bakit naman hindi?" Sagot niya sa akin bago pumasok sa DR nila. Naiwan lang ako sa hallway at napaisip sa sinabi niya.




"Friendly pagkamiss lang 'yon Vice. Wag ka masyadong mag-isip diyan" Bulong ko sa isipan ko.



Teka? Bakit nga ba? Anong masama doon sa namimiss niya ako? Wala naman diba? Wala naman dapat. Normal na pakiramdam naman iyon ng isang tao sa kapwa niya lalo na kung matagal silang hindi nagkita o kaya nagkausap. Minsan nga kahit kausap mo namimiss mo pa din. Wag ko na lang lagyan ng malisya, wala lang naman iyon.



Pero bakit parang may nagulo na naman sa sistema ko? Parang lumiko na naman ako. Ganun na ba talaga ako karupok? Nasabihan lang nang namimiss parang ewan na, nag-ooverthink at nag-oover act sa bagay bagay, sa mga sinabi niya.



Steph naman kasi. Namimiss mo ba ako as a friend?



"Magkaibigan lang naman talaga kayo diba Vice?" Tanong ko sa sarili ko.


Malinaw naman sa akin. Oo, nahulog ako. Sino ba namang hindi? Bukod kasi sa maganda siya at talented ay maganda din ang kalooban niya. Parang araw araw mayroon kang madidiscover na bago sa kanya. Interesado ako sa kanya at Oo, gusto ko siya. I like her.



Pero sino bang mahal ko?



"Yes Daddy. Papunta po kami ni Mommy kila Lola"

"Ingat kayo. Pakisabi sa Mommy mo na i-text ako kapag nakarating na kayo mamaya. Baka kasi hindi ko masagot kung tatawag pa dahil nasa trabaho ako baby"

"Opo Daddy. Ingat din po sa work. Wag po magpagod. I love you Daddy ko"

"I love you baby. Ibababa ko na 'to, tatawag na lang ulit ako. I love you Jaice"



"Sis ba't parang ang tamlay mo?" Puna ni Anne sa akin. Napansin pala nila ang mood ko. Kanina kasi maayos ang mood ko pero naisip ko na naman yung lalaking nakita ko nung nakaraan sa screen ng laptop ni Jaki at dagdagan mo pa nitong magulong nararamdaman ko para kay Steph.




Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now