THREE

459 25 0
                                    

Warning: Medyo 🍏🍏

_________________________________________

"Mamaya ka na magpatuyo ng buhok kumain na muna tayo" pamimilit ni Vice sa akin.


Kakasimula ko pa lang magblower pero hinugot niya ito para lang ayain ako kumain.


"Okay. Okay. Para kang bata na naagawan ng kendi diyan" nayayamot na kasi siya sa pamimilit sakin.


"Gutom na kasi ako"



"Kung hindi ka naman kasi maharot sa banyo kanina baka busog ka na ngayon"



"Hahaha. Ako lang ba?"


"Ikaw lang naman talaga" saad ko bago lumabas na sa kwarto. Kasunod ko lang siya habang natatawa pa rin.


Wala naman talaga nangyari nang magkasabay kami maligo.


Wala talaga sa maniwala kayo o hindi.


Kissing lang tapos konting touch dahil pagala-gala ang kamay ni Vice. Hanggang doon lang.


"Nakita mo na pala yung gown, ano sa tingin mo? Kasya kaya sayo?" Tanong niya habang kumakain kami.


"Oo naman. Pinapasukat nga ni Madc sa akin pero hindi ako pumayag kasi alam mo na"


"Tsss. Naniniwala ka sa mga ganun. Isukat mo man 'yon o hindi papakasalan pa rin kita" Kinilig naman ako sa simpleng banat niyang 'yon.


"Yung susuotin mo pala ayos na ba lahat?"


"Yup. Nakita ko na rin at sigurado ako na bagay 'yon sa wedding gown mo. Hayy bagay na bagay talaga tayo"


Naparoll eyes na lang ako sa kanya.


"Anong plano mo pala kasi one week ako mawawala?"

"Uhm sa bahay muna ako uuwi doon kila Mommy tapos check ko na lang lahat ng details sa kasal para pagbalik mo waiting na lang tayo sa wedding day"


"Wag ka masyado mastress ah. Gusto ko ikaw ang pinakamagandang bride sa buong mundo"


"Halos ayos naman na lahat kaya di na rin ako mapapagod nang husto. Ikaw din wag magpakapagod sa trabaho. Wala ako doon para alagaan ka"


"Aalagaan ko ang sarili ko para sayo"


"Mag-iingat ka doon ah"


Ngumiti siya sa akin bago nagpunas ng bibig.


"Worried ka. Bakit?" Tanong niya. Hindi ko talaga maitatago ang ganito sa kanya.


"Diba kapag daw malapit na ikasal malapit sa aksidente, sa mga kapahamakan?"


"Jaki, Jaki, Jaki...." Ibinaba niya ang hawak kong kutsara at hinawakan ang isang kamay ko.


"Walang mangyayaring masama sa akin o kahit sayo. Matutuloy ang kasal maniwala ka sa akin"


Tumango lang ako at ngumiti.



Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit. Hindi na umangal si Vice dahil kausap niya si Nanay Rosario sa kabilang linya.



Nanonood na siya nang matapos ako. Tutok lang siya sa movie na pinapanood niya na kahit tumabi na ako sa kanya sa sofa ay hindi niya ako napansin.



"Paano kapag pinagpalit ka niya sa babae?"



Bumalik sa isip ko ang tanong na iyon dahil sa isang eksena sa movie na kasalukuyan namin pinapanood.



Tuwing UmuulanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ