FOURTEEN

333 21 13
                                    

"Hindi ka pa ba papasok sa trabaho? Ilang araw ka na rin absent"




Simula nang makita ko si Jaki at si Jaice ay hindi na ako pumasok sa trabaho. Nawalan bigla ng saysay ang buhay ko sa nalaman ko. Parang naubusan na ako ng pag-asa sa kanya.




"Ayoko pa Buern, hindi ko pa kayang maging masaya"





"Pwes kahit paano ay magpakita ka kay Direk. Nagagalit na siya sa ginagawa mo, Vice?" Tumango lang ako at tumayo na.




Magpapaalam muna ako sa show. Wala akong ganang magpasaya dahil ako mismo ay hindi masaya.




Yakap ang isinalubong ng mga co-host ko sa akin. Sermon naman galing kay Direk.




"Papasok na lang ako Direk kapag kaya ko na. Sobra talaga akong lugmok ngayon" naiintindihan naman daw niya ang pinagdadaanan ko kaya pumayag siya na magleave ako sa trabaho.


"Vice!!" Pagtawag sa akin ng isang babae. Nilapitan niya ako bago hampasin sa braso.



"Ang daya mo! Ano 'tong nalaman ko na nagleave ka daw?"



"Oo, saglit lang naman. Papahinga lang"



"Ngayon pa talaga kung kailan dancer na rin ako dito"



"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ko.



"Oo!"


Sa sobrang saya naming dalawa ay nayakap namin ang isa't isa. Nakita ko pa ang tingin ni Anne na noon ay dadaan sa tabi namin. Kung nakakamatay ang tingin malamang kanina pa ako walang buhay dito.



"Celebrate tayo mamaya, sagot ko"



"Wow! For the first time, medyo matagal na tayong magkaibigan pero ngayon mo lang yata ako ililibre" Biro ko.



"Sobra ka naman. Alam ko madami akong promises na hindi natutupad sayo pero hindi naman ito ang unang beses na ililibre kita. Basta mamaya, kita na lang tayo"


"Sure"



"Balik na ako sa trabaho ah. Bye" Bumeso pa siya sa akin bago kumakaway na lumayo.



"Ang harot mo talaga Viceral" Halos mapatalon naman ako sa pagsulpot ni Anne sa tabi ko.


"Anne naman!"


"Sinasabi ko sayo umayos ka Vice"



"Maayos ako Anne. Diyan ka na nga, aalis na ako" Pag-iwas ko sa kanya. Alam ko naman hanggang ngayon ay solid pa rin siya doon sa isang nang-iwan sa akin. Ako na nga ang iniwan pero mas iyon ang kinakampihan.



Nagpaalam na rin ako sa iba. Paalis na ako nang makasalubong ko ang ilang Showtime Dancers. Parang kulang sila?




Si Melvie.




Nahuhuli siya habang may kausap sa telepono.





"Sige Jaki, pupuntahan ko kayo" napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya. Hindi niya yata nakitang dumaan ako.






"Melvie?" Pagtawag ko sa kanya.





"V-v-Vice"






"Si Jaki ang kausap mo diba? Nasaan siya Melvie? Nasaan siya?"




"Jaki? Cathy ang sabi ko, kaibigan ko yun sa culinary class ko"



"Melvie, alam ko ang narinig ko. Sigurado ako doon. Where is she?" Napabuntong hininga siya bago sumagot.




Tuwing UmuulanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin