SIXTEEN

311 25 31
                                    

Flashback...




"Paalam Jaki" Desididong sambit ni Vice.




"Tumalon ka na Vice..."





Napapikit pa siya sa biglang pagkislap ng puting ilaw mula sa tabi niya. Napabitiw siya sa pagkapit at sandaling tinakpan ang mata bago muling tinitigan ang pinagmulan ng ilaw na iyon.




"Jump. Bumitaw ka na diyan" nanunudyong saad ni Tom ilang dipa lamang ang layo sa kanya.




"What are you doing here?" May halong inis na boses na iyon ni Vice. Waring gusto niya na rin isama ang bwisit na lalaking ito sa plano niya.




"Uhm? Witness? Witnessing the historic suicide attempt of my friend?"




"You don't belong to my group. Hindi kita kaibigan"





"Okay. Ganito na lang, nandito ako para makita ang pagsusuicide mo. Better?" Maangas pang sabi ni Tom bago lumapit sa pader na nagsisilbing harang sa rooftop.





"Ang ganda nitong kuha ko sayo oh. Kitang kita yung desperation at maganda ang anggulo..." sabay pakita nito kay Vice ng picture na kinuhanan niya kanina.





"Mataas din pala. Siguradong magtatagumpay ka sa gagawin mo" Inis siyang inirapan ni Vice bago bumaba sa pagkakasampa niya sa harang kanina.





"Oh bakit ka umalis? Not sure? Nagbago ang isip?"




"No, may gusto kasi akong isama" Nag-iinit ang ulong nilapitan niya si Tom na hindi yata natinag sa banta niya.




"Kung ako iyan Vice wag na. Naging wasted ako, sinasabi kong magpapakamatay ako pero hindi ko talaga gagawin. In need of attention lang ako kaya ko nasasabi iyon dati" saad ni Tom na cool na cool pa sa harap ni Vice.




"Anong plano mong gago ka?!" Tanong ni Vice habang hawak ang kwelyo ng damit ni Tom.





"Chill Vice. Nagpapalamig lang ako kasama mo dito, ikaw naman masyadong mainit ang ulo" patulak siyang ibinaba ni Vice dahilan para tumama ang likod niya sa semento. Masakit pero nakatayo nang maayos ang binata.




"Umalis ka dito!"





"Tsss. Pag-aari mo ba ang rooftop na ito? Itong hospital na ito? Sa pagkakaalam ko nakaadmit ka lang sa isang room dito pero hindi mo ito nabili" sagot ni Tom. Ni hindi malaman ni Vice ang tumatakbo sa isip nito. Naiinis siya pero naguguluhan na rin ngayon dahil sa inaasal ng kausap niya. Pinagtitripan yata siya nito.





"Aalis ka dito o babasagin ko 'yang pagmumukha mo" Muling pagbabanta niya ngunit katulad kanina ay prenteng nakatayo lang ang kausap niya.





"Hindi pa nga magaling itong sugat na gawa mo nung huling nagkita at nag-away tayo tapos ngayon plano mo pang dagdagan" Iiling iling na sabi ni Tom bago humugot ng sigarilyo sa bulsa niya. Inalok niya si Vice pero tumanggi ito at tinapik ang kamay niya palayo.





Humithit at inilabas niya ang usok na madali rin nawala sa pagsama nito sa hangin.





"Bakit mo gagawin ito?"





"Ang alin?"





"Yung dapat gagawin mo kanina, mabuti na lamang dumating ako kahit paano napigilan kita"





"Ano bang pakialam mo sa akin?!"






"Kaibigan kita kaya may---"





Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now