EIGHT

312 17 5
                                    

:Sensitive itong part na ito. Kung malungkot, down o depress kayo wag niyo na po basahin. Maiintindihan niyo pa rin naman ang story kahit iskip niyo 'to.

_________________________________________

"Nasaan ako?" Mahinang tanong ni Vice. Nasisilaw pa siya sa ilaw at liwanag sa puting kwarto.



"Bakit may ganito? Ano 'to?" Inis na inis niyang tanong.



"Huminahon ka muna Vice, dinala ka nila Direk dito sa ospital kasi nahimatay ka bigla" saad ng kaibigan niyang si Karylle, nakatingin lang sa kanila ang ilan pa nitong kasama.



"Hinayaan na lang sana ako ma--"



"Vice!!" Saway ni Anne dito.



"Tsk! Umuwi na kayo. Naabala ko pa kayo"



"Hindi ka abala sa amin Brad. Pamilya ka namin" sagot ni Billy.



"May mga pamilya na kayo, 'yon ang asikasuhin niyo at hindi ako"



"Hayyy nag-iba ka na nga Vice pero hindi kami susuko sayo. Tatawagin ko lang ang doctor mo" paalam ni Vhong.



Nakataas ang kilay at nakakunot lamang ang noo ni Vice habang nakacross arms. Bakit naman kasi isinugod pa siya sa ospital?



"Huwag ka munang uminom ng alak Vice. Nasobrahan ka yata, hindi ka rin kasi kumakain nitong nakaraan. Inaabuso mo liver mo, pati ba naman 'yon? Alam mo na ngang may sakit ka sa kidney dadagdagan mo pa ba?..."



"Kailangan mo magpalakas. Stressed ka na kaya nahimatay ka. Mabuti nga at nadala ka nila dito"



Mistulang hangin ang kapatid ni Vice habang nagsesermon at nagpapaalala sa kanya. Hindi siya nakikinig dito dahil lumilipad ang utak niya sa ibang bagay.



Nang gabing iyon ay kumain siya kahit labag sa loob dahil sa pamimilit ng mga kaibigan niya. Pikon na pikon siya sa mga ito pero ayaw naman siyang iwanan.



Binigyan at pinainom din siya ng gamot. Katulad kanina ay hindi siya nakaangal. Nakatulog siya pagkatapos kaya nagpahinga na rin ang mga bantay niya.



Nagising naman siya makalipas ang ilang oras dahil sa isang masamang panaginip. Car accident at kasama niya daw si Jaki. Weird. Hindi naman niya naisip si Jaki bago matulog.



Inabot niya ang tubig sa side table nang mapansin ang mga gamot niya sa tabi nito.


Isang ideya ang pumasok sa isip niya.



Mapapadali ang problema niya, madaling solusyon sa lahat ng dinadala niya.



"Mawawala na lahat ng sakit Vice. Hindi ka na masasaktan sa pag-alis niya, sa paghihiwalay niyo" bulong niya bago pumikit.



Nalalasahan pa niya ang pait na naiwan ng mga ininom niyang gamot. Kumpiyansa siyang bukas ay tapos na ang problema.

.

.

.

"GAGO KA BA TALAGA VICE!!"



"ANONG PUMASOK SA ISIP MO AT NAGAWA MO 'YON?"



"NI HINDI MO NAISIP SI NANAY, KAMING PAMILYA MO PATI MGA KAIBIGAN MO!!"



"MAKINIG KA NGA!!" Pag-agaw ng pansin ni Ate Tina sa kanya.



"ANO BA?! HINAYAAN NIYO NA LANG KASI SANA AKO!! GUSTO KONG GAWIN 'YON. GUSTO KO NA TAPUSIN ITONG PROBLEMA KO!!" Galit din niyang sagot.



Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now