EIGHTEEN

274 17 8
                                    

"Mommy? May problema po ba? Kanina ka pa po check nang check sa phone mo"





"Dito ka muna anak, kukunin ko lang yung laptop sa taas" Saglit kong iniwan si Jaice sa baba. Papunta kami kila Mommy ngayon, naipakilala ko na sa kanila ang anak ko at natuwa naman ako dahil natanggap nila kaagad. Instant paboritong apo nga daw sabi pa nila Kuya dahil parang ayaw na kami pauwiin noong bumisita kami sa Antipolo.




Hindi palang kami makaalis dahil kanina ko pa tinatawagan ang lalaking iyon kaso mukhang busy at hindi sinasagot ang tawag ko.





"Tara na baby" Naunang lumabas ng bahay si Jaice at dumiretso agad sa tabi ng kotse. Nilock ko ang bahay pati ang gate bago kami sumakay sa sasakyan.




"Miss ko na po si Daddy" Walang ano anong sabi ni Jaice.




"Kahapon lang naman magkasama kayo. Ipinagpapalit mo na agad ako sa daddy mo"





"Hindi po. Paggising ko po kasi Mommy wala siya. Sabi po ni Lola Nanay may pinuntahan daw po na kaibigan. Hapon na po siya nakabalik kaya di na kami nakalaro tapos sinundo mo pa po ako"




"Gusto mo ba doon ka na lang sa daddy mo?" Pabirong tanong ko.




"Hmm. Gusto ko po tayong tatlo po magkakasama. Pwede naman---"





"Jaice?" Saad ko lang habang nakatutok sa pagmamaneho.




Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Sa pagpipilit niyang mabuo ang pamilya namin na hindi ganoon kadali lalo pa at may bago na rin yata ang daddy niya. Nakita ko ulit silang magkasama nung babaeng niyakap niya sa labas ng ospital. Hindi ko pa nga natatanong kay Vice kung sino 'yon at wala rin naman akong balak dahil baka isipin niya na nagseselos ako. Palagay ko rin naman ay wala na akong karapatan. Buhay niya iyon at labas na ako doon.






Nagseselos ka nga ba Jaki?




Pagdating sa bahay ay si Jaice na ulit ang sentro ng atensyon. Masayang masaya siya habang sumasayaw kasama ang mga pinsan niya. Si Mommy at Daddy ay napapasayaw na rin habang hindi rin maalis ang mga ngiti sa labas.





"Excuse lang Kuya, sagutin ko lang 'to" Paalam ko kay Kuya Dylan bago lumayo sa kanila. Malakas ang tugtugan sa bahay na kailangan ko pang lumabas ng bahay.





"Mabuti naman at tumawag ka. Akala ko hindi mo na ako kakausapin"

"Jaki, nakapagdecide ka na ba?"

"I---"


"Hanggang kailan ako maghihintay mag-isa dito. Jaki please, miss na miss ko na kayo ni Jaice. Come back here. Please."

"Alam mo na hindi ganun kadali. Malalayo siya sa daddy niya"



"Kaya ayos lang sayo na tayo ang magkalayo para hindi mawalay si Jaice sa totoong daddy niya. Ayos lang sayo na sa tawag na lang tayo nagkakausap? Jaki, ni hindi manlang kita mayakap kapag kailangan mo ako diyan. Alam mo naman na may business ako dito na hindi pwedeng basta bastang iwan kaya nga ako yung lumalapit sayo at nakikiusap na bumalik na ulit kayo dito"



Natahimik naman ako sandali. Alam ko sa sarili kong namimiss ko na din siya pero hindi na ganoon kadali ang sitwasyon. Hindi na rin madaling papayag si Vice na ilayo ko kaagad si Jaice sa kanya.




Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon