THIRTY THREE

220 12 4
                                    

"Ang tagal naman po ni Mommy" Angal ni Jaice habang pinapakain ko siya. Maaga siyang hinatid dito ng mga dating kaibigan daw ni Jaki.


"Pauwi na 'yon. Baka natraffic lang"


"Pero Daddy I di naman siya nagpaalam sa akin" Nagtatampong sabi nito. Pinunasan ko muna ang gilid ng labi niya dahil may chocolate syrup ito galing sa pancake na kinakain niya.


"Wag ka na magtampo. Ikaw rin naman hindi nagpaalam sa Mommy mo. Bigla bigla ka na lamang sumasama sa iba"


"Kaibigan naman po ni Mommy 'yon"


"Kahit pa. Ask your Mommy Jaki first. Mas mabuti na nagpapaalam ka"


"Opo. Sorry po Tito Daddy"


"Wag ka sa akin magsorry"


"Can I ask a favor Tito Daddy?"


"Basta kaya ko"


"Help mo po ako magsorry kay Mommy. For sure pagagalitan niya po ako"


"Oh sige. Ano ba gusto mo gawin?"


"Uhm. Basta po samahan mo lang po ako magsorry. Then kapag galit na po siya uhm, tell her to calm down po"


"Hahahaha. Akong bahala"


"The best ka po talaga Tito Daddy" Saad pa ni Jaice bago nakipagfist bump sa akin.

"Naghahanap na ba sa Mommy niya?"



"Opo. Kanina pa tanong nang tanong. Tinatawagan ko naman po si Jaki pero hindi ko na macontact"


"Maayos naman daw siya. Wag ka mag-alala"


"Hindi naman po maiiwasan tapos kasama pa po niya si..."


"Si Vice, nagseselos ka Hijo?" Tanong ni Tita Che. Tumango lang ako bago siya naupo sa tapat ko.


"Alam ko pong mahal naman ako ni Jaki pero hindi ko pa rin po maiwasan. Kung nakausap ko lang po siya kahapon baka kami ang magkasama ngayon o kaya nandito siya ngayon" Kwento ko. Halos hindi ako makatulog kagabi sa ideyang magkasama sila ni Vice. May tiwala ako kay Jaki, dun sa kasama niya lang wala.


"Nakikita kong mahal na mahal mo rin si Jaki pero mabait naman si Vice. Wala naman siguro siyang gagawin sa anak ko"


"Natatakot lang po ako. Nung kasal po ng kaibigan niya, nakwento na po ni Jaki yun sa inyo na nalasing si Vice tapos sinigaw-sigawan po siya pati ako. Nakapagtimpi pa po ako nun pero sa oras na may ginawa ulit siya kay Jaki baka po hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nakakatakot po na ulitin niya kay Jaki yung ginawa niya noon"


"Wag ka mag-alala Hijo. Kakampi mo kami kung sakaling saktan ulit niya si Jaki"


"Salamat po. Pasensya po ulit kasi wala ako kahapon kung kelan kailangan na kailangan niya ako"


"Kumusta pala yung binisita mo kahapon? Nagkita ba kayo?"


"Opo. Pinuntahan ko po sa dati nilang bahay sa Pampanga eh lumipat na daw po. Nahanap ko naman po. Malaki na po yung anak ng Ate ko, nakapagbonding naman po kami kahapon"


(Oh? Pamangkin niya yung bata. Naniniwala kayo?)


"Mabuti 'yon. Nasabi mo na ba ang mga plano mo?"


"Opo. Sinabi ko na po na mag-asikaso na sila ng mga papel para makapunta sila sa kasal namin ni Jaki"


Naguluhan naman ako kasi nakatitig at nakangiti lang si Tita Che sa akin.


Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon