TWENTY THREE

220 15 32
                                    

"Daddddyyyyyy"





"I mish you! I mish you! I mish you" panggigigil ko pa sa anak ko nang salubungin niya ako paglabas ko sa sasakyan.




"I mish you too po" panggagaya niya sa gawi nang pagkakasabi ko.




"Kiss nga si Daddy" ilang ulit naman siyang humalik sa pisngi ko bago yumakap.




Nadama ko na totoo ang pagkamiss niya sa akin. May halong sabik at higpit ang yakap na iyon.




"Kanina ka pa niya hinihintay"




"May dinaanan pa kasi ako" sagot ko kay Jaki bago ko siya sulyapan.




Naka-messy bun ang buhok niya na lalong nagpasexy sa hitsura niya. Nakasimpleng maluwag na sando at shorts lang pero ang ganda niya.




"Daddy bakit po ang tagal mo?" Nabalik naman ako sa reyalidad sa paghila ni Jaice sa laylayan ng damit ko. Natulala na kasi ako sa ganda ng mommy niya.



"May binili pa kasi si Daddy for you. Sandali, kukunin ko lang" binuksan ko ang pinto sa backseat para kunin ang binili kong bulaklak kanina.




"For you my princess" humalik pa ako sa noo ni Jaice bago iabot ang bouquet ng pink roses sa kanya.



"Wow! I feel so special Daddy. Parang princess po talaga ako. Thank you po" kita ko ang totoong saya sa mga mata niya.



"Anything for you baby ko"



"Madaming thank you po" ngumiti pa siya na mas lalong nagpacute sa kanya.




"Mommy! Mommy!" Nagtatakbo siya kay Jaki na nakatayo lang sa pintuan nitong bahay nila.



"Ganda naman niyan. Did you say thank you to your daddy?"




"Opo, first time ko po makatanggap nito tapos bigay pa ni Daddy" ngumiti lang si Jaki sa akin at tumango lang ako.



"Oh? Bakit hinihila mo 'yong flowers? Wag! masisira" awat ni Jaki sa anak namin. Nilapitan ko naman sila.




"Mommy, for you po" sabay abot ni Jaice sa kanya nung isang pink rose na inalis niya sa arrangement.



"Thank you" ngumuso pa si Mommy niya na kaagad hinalikan ni Jaice.




Sana pala binigyan ko rin siya ng bulaklak para may kiss ako.



Baka sakaling may kiss ako.




"Ready na ba kayong dalawa? May meeting para sa party ni Jaice" pagputol ko sa moment nilang mag-ina.



"Sandali lang magpapalit at mag-aayos lang ako. Pasok ka muna"



Naghintay lang ako sa baba kasama nitong anak ko. Di pa rin mawala ang ngiti ni Jaice at ni hindi niya mabitawan ang bulaklak.




"Dad, wag ka po magagalit ah"




"Bakit naman baby?"




"Diba po dapat si Mommy binibigyan mo nitong flowers at hindi ako"




"Bawal ba kita bigyan nitong bulaklak?"




"Pwede naman po pero basta. Sa napapanood ko po ang binibigyan ng flowers nung daddy ay yung asawa niya. Tapos ibang pasalubong sa kids niya"




Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now