TWO

525 28 0
                                    

Nakaupo lang ako sa isang tabi at nagpapahinga. Maraming nangyari nitong nakaraang mga araw kaya abalang abala ako pati si Vice pero sinisiguro namin na makakapasok pa rin kami sa trabaho.


Hindi pa kumpleto ang dancers kaya sinusulit ko muna ang oras dahil mamaya ay mapapagod na naman ako kakasayaw.



Ilang sandali pa ay pumasok si Madc, ang kaibigan kong napakatahimik na ngayon.



"Psst Madc!" Nilingon niya lang ako pero hindi lumapit kaya ako na ang nagkusa.



"Hindi ka okay. Alam kong may problema ka. Pwede mong ishare sakin"


Hindi siya sumagot pero niyakap niya ako. Mahina siyang humihikbi habang hinahagod ko ang likod niya. Problema na naman ito sa lalake, sa current boyfriend niya.



"Sige lang umiyak ka lang muna"



Hay. Hetong kaibigan ko talaga. Ilang beses nang nasasaktan pero ayaw pang hiwalayan.




Yakap ko lang siya nang bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito si Vice. Ang sexy na si Vice. Nakamaikling shorts kasi ito kaya naman exposed ang makinis at maputi niyang legs.




Ngumuso lang siya na parang nagtatanong kung anong nangyayari. Sumenyas ako na umiiyak sabay turo kay Madc, tumango lang si Vice bago lumapit sa amin.



"Dinalhan lang kita ng meryenda. Diretso na ako sa taping mamaya baka hindi na ako makadaan dito. Ipapasundo na lang kita kay Manong" saad ni Vice bago ibaba ang pagkain sa tabi ko. Nag-aalangan pa siya kung yayakap pa ba sa akin dahil nga nakayakap din si Madc sa akin.



"Take care lovey. I love you" sa huli ay hinalikan na lang niya ang kamay ko at ako na rin.



"I will. Ikaw din mag-ingat ka. I love you too" Ngumuso pa ulit ako para sa isa pang halik na kaagad niya rin binigay. Harot din muna.



Nang makaalis siya ay humiwalay na rin si Madc sa akin. Namumugto na kaagad ang mata niya. Inabutan ko muna siya ng tubig bago naghintay sa kwento niya.



"May inuwi na naman daw na babae kagabi sa apartment niya. Lasing sila parehas" naluluhang kwento niya.



"May nangyari ba sa kanilang dalawa?"




"Wala naman. Pinuntahan ko siya at naabutan ko pa silang magkatabi. Kilala ko yung babae. Kaibigan niya din kaya walang malisya" kwento niya. Kita mo 'tong babaeng ito, harap harapang niloloko pero kapit na kapit pa rin sa boyfriend niya.



"Hiwalayan mo na kaya"



"No Jaki! Mahal niya ako, mahal ko siya" Sagot niya bago umiyak ulit.



Napakamartyr.



Sapat na ba yun na mahal mo siya at mahal ka niya para ituloy pa ang relasyon niyo? Paano kung mahal din niya yung sinasabi nitong si Madc na kaibigan daw?



Nakinig lang ako sa mga kwento niya at hindi na nagbigay ng advice. Kilala ko si Madc, hindi siya nakikinig sa amin. Mas sinusunod niya ang kagustuhan niya.



"Mahal na mahal siya nung anak ko kaya hindi kami pwedeng maghiwalay"



Isang linya na ngayon ko lang narinig sa kanya. Sabagay napakahirap maging single parent kahit hindi ko pa naman nararanasan. Parang ganoon din ang sitwasyon namin, mag-isa si Mommy sa pag-aalaga sa amin habang nasa abroad si Daddy. May pagkakatulad pero malaki ang pagkakaiba.



Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon