SIX

343 21 4
                                    

"Tahimik ka na naman. Sino ba iyang iniisip mo?" Tanong ni Nanay habang nakatingin ako sa papalubog na araw.


"Parehas pa rin po ng dati Nay, wala namang pinagbago"


Apat taon na halos ang nakakaraan at hanggang ngayon naalala ko pa rin siya.

Kumusta na kaya siya? Masaya kaya siya? May bago na kaya siyang pamilya?

Nasaan na kaya si Jaki?

Nasaan na kaya yung mahal kong babae?


"Mahahanap din natin si Jaki" pagpapagaan ni Nanay sa loob ko.


"At sana po kapag nakita natin siya ay hindi pa huli ang lahat, hindi pa huli ang lahat para sa akin, para sa amin" naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Nanay sa tabi ko.


"Wag tayong mawalan ng pag-asa Tutoy" mapait na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.


Napagpasyahan ko rin munang maglakad-lakad mag-isa sa tabing dagat. Private island naman ito kaya walang gaanong tao.

Napansin ko ang isang masayang pamilya sa di kalayuan. Hindi ko maiwasang isipin si Jaki. Panigurado ganyan din kami ngayon kung hindi siya nawala sa akin.

Simula nang gabing nalasing ako at nag-away kami, nagkagulo na ang lahat.


Ang tanga ko kasi! Mas naniwala ako sa sabi-sabi kesa sa kanya. Kinain ako ng galit ko kaya nasaktan ko siya. Kinain ako ng selos at ng takot na mawala siya pero naging dahilan iyon para mawala nga siya sa akin.


Flashback....

"Ano ba kasing nangyari Vice? Buong akala namin nasa nagpapahinga ka lang?"



"Pumunta ako sa unit mo kaso wala ka naman. Nagbakasakali ako sa bahay niyo pero sabi nila Nanay di ka pa daw umuuwi"


"At heto lasing na lasing ka!"


"Manong sa bahay na lang niya tayo! Pati si Nanay Rosario nag-aalala rin sayo"



"Vice! Meme!! Nakikinig ka ba?"



Simula pa lamang sa pagsakay nila sa coaster ni Vice ay nagsesermon na sila. Maingay man ay parang wala itong naririnig.



Natigil ang pagsasalita nila sa pagluha ni Vice. Isa isang bumagsak galing sa mga mata niya.



"Meme.."



Hanggang makarating sa bahay ay umiiyak ito. Nilampasan nga lamang niya ang sumalubong sa kanya at kaagad na nagtungo sa kwarto niya. Tanging si Nanay Rosario lamang ang naglakas loob na sumunod sa kanya.


"Saan ka ba galing? Amoy alak ka" Tanong nito kay Vice na kaagad humiga sa kama niya.


"Tutoy, kausapin mo ang nanay"


Nilapitan niya ito at inalis ang kumot na nakatalukbong sa anak bago ito dahan dahang binangon.


"Anong nangyari?" Pinahid niya ang mga luha ni Vice. Mistulan itong bata na umuwi sa bahay dahil inaway ng mga kalaro.



"Nasaktan ko siya Nay. Nasaktan ko po si Jaki" saad nito.



"Sinaktan? Paano?" Umiling lang si Vice at yumakap sa nanay niya.


"May nakapagsabi sakin Nay na nasa bar si Jaki nung isang gabi. May pictures pa at isang video na parang hinalikan siya nung ex-boyfriend niya...."


Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now