THIRTY

262 15 6
                                    

"Yan ba ang alalay na inom Vice?"


"Wag mo nga muna akong pakialaman" Inis na sabi ni Vice sa kaibigan. Hindi na kasi siya nakatiis at humanap na talaga nang pinakamalapit na bar sa reception. Noong nalaman niya na pwede na magparty ay bumalik din naman siya pero lango na sa alak.


"Hinahanap ka nung anak mo kanina. Bigla ka na lang kasi nawala. Mabuti nasundan ka ni Kuya Jhong"


"Tsk. May mommy at instant daddy naman siya dito. Di niya na ako kailangan"



"Wag ka nga magsalita ng ganyan. Alam mo epekto 'yan ng alak sayo eh. Sige, hindi kita pipigilan pero wag ka masyado dumaldal diyan kundi ako magpapatahimik sayo" Inirapan niya lang ang kaibigan bago ulit uminom. Hindi na nga siya nito pinakialaman at hindi rin ito umalis sa tabi niya.


Kasabay nang paglunok ni Vice sa mapait na alak sa harap niya ay ang pagbabalik alaala sa mga naganap kanina.


Yung bouquet toss na nahulog sa tapat ni Jaki kahit hindi naman siya kasali. Yung garter na si Ion din ang nakakuha. Mabuti na lamang at inulit lahat dahil hindi naman sila dapat kasali. Yung pagsayaw nila ng sweet na dapat siya ang gumagawa kay Jaki. Yung paghawak hawak sa kamay ni Jaki, pagyakap-yakap dito at paminsang minsa'y paghalik sa babaeng mahal niya.



"Ako dapat 'yon! Ako dapat! Akin dapat siya" Hindi niya namalayang umiiyak na siya sa alaalang 'yon. Walang panama ang pait ng alak sa pait nang pinagdadaanan niya.


Natanaw ni Steph sa di kalayuan si Jaki. Nagdadalawang isip kung lalapitan ito at papaalalahan na wag muna magpakita ng kahit anong sweetness nila ni Ion sa harap ng kaibigan. Palapit na sana siya pero biglaan din ang pag-atras.


"Baka isipin niyang napakapakialamera ko. At bakit ko ba siya pagbabawalan? Karapatan niya 'yon"


Pagbalik niya sa tabi ni Vice ay siya ring pag-iba ulit ng desisyon niya.



"Pero nasasaktan si Vice sa mga nakikita niya at ayoko 'yong makita. Ayoko rin maramdaman niya 'yon"



Nagbago man ang desisyon ay wala na si Jaki sa dating pwesto niya. Hindi na rin niya ito mahanap ng mga mata.


"Totoo pala talaga. Yung akala mo maayos at okay ka na tapos kapag bumalik na siya, bumabalik din lahat. Yung pagmamahal na akala mo matagal ng nawala babalik na parang hindi naman naalis. Ang traydor ng mga alaala! Napakatraydor! Mapanakit! Nakakasakit! Masakit makitang yung mahal mo may mahal na at hindi ako 'yon..."



"Bakit kasi tatanga tanga ako noon? Tangina! Hanggang ngayon pala. Hindi pa rin ako makaalis samantalang siya napakalayo na nang agwat sa akin!! Bakit mahal ko pa rin?! Dapat hindi na! Dapat wala na! Matagal na nga siyang nawala dapat wala na rin akong nararamdaman diba? Gago! Napakagago ko!"


Hindi na nagsalita si Steph sa tabi niya. Nanatili itong nakatingin sa nakakaawang si Vice.



"Alam mo Brad minsan yung absence ng isang tao ang mas nagpaparealize sa atin kung gaano sila kahalaga. Malas at tanga lang natin kung nasa atin na tapos pinakawalan pa" Panrerealtalk ni Jhong na bigla na lang dumating galing kung saan. Nag-abot pa ito ng isang boteng alak sa kaibigan na hindi nito tinanggihan.



"Hayaan mo na, kailangan niya 'yan" Dagdag pa ulit ni Jhong dahil aangal sana si Steph.



"Ganun ba ako kadaling palitan? Ilang taon pa lang ang anak namin, ilang taon pa lang sila nung lalaking 'yon! Mas mahaba pa nga naging relasyon namin ni Jaki tapos ganun kadali na magpapakasal siya sa bwisit na 'yon!!!"



Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now