ELEVEN

342 23 46
                                    

"Mommy gusto ko po nung doll. Sabi mo po pagkatapos mo sa salon bibili na tayo" Pagmamaktol ng anak ko sakin habang naglalakad kami sa loob ng isang mall.



"Baby kailangan na natin magmadali. Ihahatid pa natin si Tito Daddy mo sa airport"


"Eeeee. He can still wait naman Mommy eh. Please Mommy" Pamimilit pa niya bago tumigil sa harap ko.


"Sa susunod na lang talaga Jaice, promise ni Mommy 'yon"


"Naman eh" At nagpapadyak pa siya sa harap ko. Ganito naman talaga kapag bata at hindi mo naibigay ang gusto niya.


Binuhat ko na lang siya kahit nagpupumiglas at naiiyak na siya. Kailangan na namin makalabas sa mall bago pa siya tuluyang mawala sa mood at umiyak nang umiyak.



"Miss, sandali lang" Napatigil pa ako sa biglaang pagtawag sa akin ng isang estudyante. Akala ko nga kanina ay si Camille dahil magkahawig sila.


"Wait lang" Pag-atras ko sa biglaang paglapit niya.


"Ay sorry. Sige hindi ko na lang ibubulong pero kasi may tagos ka" Nahihiyang sabi niya pero mas nahiya naman ako bago sinilip ang likuran ko.


"Gosh" Nagmadali akong naghanap ng CR matapos ko magpasalamat at magpaalam doon sa babae kanina.



"What's wrong po Mommy?" Walang ideyang tanong ni Jaice pagpasok ko pa lang sa isang cubicle. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay naghanap ako ng napkin sa loob ng bag na dala ko.



"Talagang ngayon pa ako hindi nakapagdala" Dismayadong sabi ko.


"Ano po ba 'yon Mommy? Pansinin mo naman po ako" Medyo naiinis na sabi ni Jaice. Natawa naman ako nang tingnan ko siya. Magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo, manang mana talaga siya kay ..... Okay nevermind.


"May iuutos si Mommy sayo"


"Hmmp. Hindi mo nga po ako pinagbigyan sa gusto ko kanina tapos po uutusan mo ako" Natawa na lang ako sa inasal niyang iyon, pati yata pangangatwiran ay nakuha niya sa ama niya.


"Sige. Bibilhin na ni Mommy 'yon para sayo" Nagliwanag naman kaagad ang mukha niya at ngumiti nang pagkalaki-laki. Labas na labas ang dimples na nakuha niya sakin.


"Ano po bang iuutos mo Mommy? Jaice Gonzaga at your service po" Sabay saludo pa niya sa akin. Napakacute talaga nitong batang ito.


Sa pagtatanong tanong ay nakarating din si Jaice sa department store, sumabay lang siya sa mga taong papasok doon. Inabot pa siya ng ilang minuto sa paghahanap dahil natatakam siya sa mga chocolate na nakita niya.


"Excuse me po" pagsingit niya sa isang matangkad na lalaki.


"Ehem!" Lumingon naman siya dito at ngumiti. Nagpapacute sa madaling sabi katulad sa ginawa niya sa mga nasa dulo ng pila. "Hi Baby, nakapila kasi ako"


"Pwede po bang mauna ako? Urgent lang po" cute na cute na sabi niya.


"Please po, my Mommy needs me na po. Please po"


"Importante lang po. Please po"


"Sige na nga" Pagpayag ng lalaki. Ibinaba niya naman ang dala sa counter at natawa ang cashier pati ang kausap niya kanina.


Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now