TWENTY

303 20 24
                                    

Short update lang ulit ito. 😊

Happy reading!

_________________________________________



"Which cake ba talaga baby? Nahihirapan na si Chef sayo" Napangiti na lang ako sa kakulitan ni Jaice.




Malapit na kasi ang birthday party niya at abala kami sa paghahanda doon. Na-extend si Jaki sa States dahil sa inaasikaso sa dati niyang pinagtatrabahuhan kaya kami lang nitong mga kaibigan ko ang punong abala.





"I want this rainbow cake po but I also want the white one. And this princess cake po. Hmm. Beautiful and yummy Daddy" Natatakam at cute na cute na sabi niya.





"Sige tutal you're turning four na, apat na cake ang ibibigay ko sayo"






"Really Daddy? Yehey! Thank you po" Sa sobrang saya niya ay yumakap at humalik siya sa akin.





"But si Mommy po? Magagalit po siya kapag madaming sweets Dad"






"Akong bahala sa Mommy mo basta ang mahalaga maging masaya ang unang birthday mo na kasama ako"






Pagkatapos mamili ng cake niya ay napag-usapan din namin ang ilan pang detalye bago nagtungo sa designer ng gown ni Jaice.






"Ayaw ko po ito, ang itchy Daddy" Angal niya habang nagsusukat kami.






Nagmumukha siyang prinsesa sa bawat gown at dress na sinusukat namin sa kanya.






"Teka, tumatawag ang mommy mo" Tinigil muna namin ang fitting dahil kay Jaki.






Habang nag-uusap sila ni Jaice ay ako naman ang nagsukat nang susuotin ko sa party.





"Magsuit ka na lang Vice para bagay kayo ni Jaice" Suhestiyon ni Buern sa akin.






Tama naman siya. Fairytale ang concept ng party niya at mas maganda sigurong prince like ang attire ko.





"Dad, matagal pa ba tayo? Gusto ko na po umuwi" Naiinip na sabi nang anak ko.





Pinag-uusapan pa kasi namin ang disenyo ng buong party pati na rin ang attire ni Jaki.





"Sandali na lang baby, madali na lang ito"






"Gusto ko na po magplay eh" Napatingin naman ang party coordinator sa amin at bahagyang natawa.





"I'll discuss the details na lang through phone Vice, sige na umalis na kayo. Basta magiging masaya ang party ni Jaice"





Nagpaalam na rin kami para umuwi. Larong laro na kasi itong baby ko. Mahirap na baka magtantrums pa doon.





"Saan si Jaice? Akala ko maglalaro siya"





"Baka nasa garden Tito Vice. Ayaw makipaglaro sa akin eh" Sagot ni Camille.





"Paano palagi mo kinukurot ang pisngi niya"






"Kasi naman Ate Bonita ang cute at chubby ng cheeks niya. Nakakagigil"





Pinuntahan ko sa garden si Jaice pero wala ito doon.




Sa kusina.




Sa kwarto.






Sa guest room.





Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now