TWENTY NINE

163 12 0
                                    

Short update lang ito. 😊

Pasensya sa typo.
Pasensya po sa paghihintay. ✌🏻

___________________________________________

Kasabay ng malambing na romantic song na talaga naman napakaganda sa pandinig ay ang durog na durog na si Vice sa isang tabi.




"Ako dapat 'yon" Bulong niya sa isip niya habang kunot noong pinagmamasdan ang babaeng dapat sana ay aayain niya pero may dumating at nauna.


"Ako ang nauna sayo" Bulong niya bago tinawag ang isang waiter at nagrequest ng alak. Hindi pa oras para dito pero tumango ang waiter kahit sa loob nito ay hindi muna pagsisilbihan si Vice.

.

.

.

Kung tahimik si Vice sa isang tabi, may pares ng mga mata na kanina pa rin nakatitig sa kanya.


Si Steph na lumipat muna sa table ng ilan pa niyang kaibigan. Gusto niyang makatulong sa kaibigan na alam niyang hindi nagugustuhan ang nakikita.


Masayang masaya si Jaki habang nasasaktan naman si Vice at isa ito sa ayaw ni Steph, ang makitang nasasaktan ang taong gusto niya. Sino ba naman ang matutuwa sa ganun? Na yung taong gusto mo may mahal pa ring iba na kahit anong gawin mo siya pa rin ang laman ng puso niya. Nangako na rin siya sa sarili niya. Ito na ang huling magkakasama sila ni Vice nang ganito katagal. Pagbalik nila sa Manila ay unti-unti siyang lalayo dito at iiwas hangga't hindi pa malalim ang nararamdaman niya dito. Prevention. Alam niyang sa huli ay talo siya dito kaya mas mabuting maaga pa lang isalba na niya ang sarili sa mas masakit na pwedeng mangyari.



"Isayaw mo kaya" Napabalik siya sa wisyo sa pagbulong ni Jhong sa kanya.



"Alam mo Steph may nahahalata na ako sa mga tingin mo kay Vice"



"Kuya Jhong, imbento" Saad niya bago pilit na tumawa.



"Madami na akong nakitang ganyan. Palihim na nagmamahal" Sabay smirk ni Jhong.



"Gusto ko siya, hindi ko siya mahal. Magkaiba 'yon"



"Eh di inamin mo rin na iba nga ang tingin mo kay Vice...."


Natahimik saglit si Steph bago ulit nagtapon ng tingin kay Vice na kausap ang isang waiter.



"Wag mong sabihin sa kanya Kuya Jhong"



"Bakit? Natatakot ka?"



"Hindi. Alam ko naman na hindi niya ako gusto at hindi niya ako magugustuhan. Wala na rin sigurong dahilan pa para ipaalam. At isa pa, mawawala din ito"



"Hayy Steph. Kaya minsan walang nangyayari kasi natatakot tayong sumubok. Masakit mareject alam ko dahil napagdaanan ko na 'yan pero minsan mas masakit yung hindi ka nagtry manlang. Bahala ka baka sa huli magsisi ka" Huling sabi ni Jhong bago tumayo at umalis sa tabi niya.




"Steph" Nakadama siya nang kaunting kaba dahil sa pagtawag na iyon sa pangalan niya.



"Vice, kanina ka pa diyan?"



"Hindi. Kausap ko yung waiter kanina nagpapaserve ako ng alak kaso mamaya pa daw 'yon at nakita kong seryoso kayong nag-uusap ni Jhong na medyo weird kasi kanina pa puro kalokohan ang isang iyon kaya lumapit ako"



Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon