NINE

403 25 80
                                    

:Sensitive pa rin ang chapter na ito. Skip po ulit sa mga malulungkot, nadodown at depress ngayon. Please. Wag na makulit. Maiintindihan niyo pa rin flow ng story kahit wag niyo 'to basahin.

___________________________________________

Napapikit si Vice habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa balat niya.


Isang maling galaw.


Ibang buhay na ang kanyang matatanaw.



"Paalam Vice..." bulong niya.


Inaalala pa niya ang masasayang araw kasama ang pamilya at mga katrabaho. Kung ilang beses na niyang napatawa ang mga tao. Ilang concerts na nagawa niya, mga pelikulang tinangkilik sa takilya, fans na naging pamilya niya na rin.


Ilang sandali na lamang ay iiwan na niya ang mga ito.



Sumagi rin sa isip niya ang isang mahalagang araw na nagpabago ng takbo ng buhay niya. Isang araw sa malamig na Disyembre. Isang babae ang napansin niya habang dala ang mga katanungan para sa isang bagong segment ng show.



Isang maikling pag-uusap na nasundan na araw araw. Kumustahan, kulitan, biruan hanggang nauwi sa seryosohan. Nagkagustuhan, hindi, mali pala. Siya lamang ang naunang nagkagusto ngunit pinagwalang bahala niya sa kadahilanang may boyfriend ang babaeng ito.



Mukha lang yatang umaayon sa kanya ang tadhana. Isang maulang gabi nakita niya ang babaeng ito na naglalakad habang umiiyak.



"Mababasa lamang ang sasakyan ko kung isasakay ko siya" saad pa niya.



Nilampasan niya ito pero kaagad din bumalik. Hindi iba ang babaeng ito sa kanya, malapit ito sa puso niya na kahit mabasa ang sasakyan niya ay ayos lamang. Doon nalaman niya ang hiwalayan na nangyari. Pagkakataon man kung ituturing ay hindi ito ang unang naisip ni Vice. Kailangan nito ng tulong para makamove on at sanay na sanay siya dito dahil sa mga lalaking ilang beses na siyang iniwan.



Sa madaling sabi ay tinulungan niya ang dalaga. Binigyan ng madaming raket para mailayo ang isip sa nangyaring break up. Nagtagumpay naman siya dahil nakamove on ito.


Natalo lamang siya dahil mas nahulog siya dito. Mas nahulog siya sa mga ngiti nito, sa biruan nila, sa mga seryosong usapan, sa kulitan at sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya.



"Hindi pwede Vice. Maaring gusto mo siya pero hindi mo siya pwedeng mahalin dahil bakla ka" Paalala niya sa sarili isang gabi na naguguluhan na siya sa nararamdaman.




Isang mensahe ang natanggap niya noon galing sa babaeng gusto na sana niyang iwasan dahil baka lumala pa ang kanyang nararamdaman. Niyaya siya nitong lumabas at manood ng sine. Hindi siya mahilig sa movies pero sumama pa rin siya dito. Kakaiba ang babaeng ito. Nagagawa niyang ipagawa kay Vice ang mga ayaw niyang gawin.



"Vice...mahal mo na yata"



"Huh? Sinong mahal? May jowa ka na bang bago? Ang daya mo naman, di ka nagkukwento"



"Hindi sabi ko ang mahal nung ano...nung nagastos ko ngayong araw. Ikaw nagyaya pero ako naman nagbayad" sabay tawa ni Vice para malihis ang usapan.



"FYI, sabi mo ikaw na magbabayad. Ikaw nag-insist kasi sabi mo nga..."Ikaw ang lalaki dito"" panggagaya ng dalaga sa sinabi niya kanina.



Sinabi ba niya talagang lalaki siya? Hahahaha. Nakakatawa naman 'yon.



"Tapos nakakainlove itong babaeng ito" bulong niya sa isip habang nagpapahinga sila sa isang bench.



Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon