ONE

792 33 0
                                    

Sumisilip na ang haring araw sa labas pero tulog na tulog pa din sila Jaki at Vice sa kwarto nito.


Madami silang trabaho nitong nakaraang araw at kagabi na lang ulit nagkita.


Nagdate din sila kaya gabi na rin nakauwi.


Kahit pagod na pagod ay nabuhayan sila nang sistema pagpasok ng kwarto.


Umuulan kasi noon sa labas pero nag-iinit sila.


Tumunog ang telepono sa gilid ni Jaki na ikinagising niya.


Tiningnan niya ito, tumatawag ang isa nitong kaibigan ngunit inaantok pa siya.


Hinayaan lamang niya ito at muling bumalik sa pagtulog pero hindi na niya magawa dahil maliwanag na sa kwarto.


Mahimbing pa sa tabi niya si Vice habang nakayakap ito sa kanya. Hinagod niya ang buhok nito at hinalikan sa noo.


Napangiti na lamang ang dalaga habang inaalala ang mainit na sandali na namagitan sa kanila nang nagdaang gabi.


Dala na rin siguro sa tagal nilang hindi nagkita ay nanabik sila sa isa't isa na nauwi nga sa pangroromansa.


"I love you lovey" bulong ni Jaki bago halikan ang katabi niya.


Inalis niya ang pagkakadantay nito sa kanya para bumangon. Mabilis siyang nagpunta sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili.


"Haist! Sabi ko no hickeys eh. Di talaga makapagpigil" medyo inis na sabi ni Jaki habang sinisipat ang leeg at bandang dibdib nito sa salamin.


Nagbathrobe lang siya bago lumabas. Humalik pa siya ulit kay Vice at inayos ang kumot nito bago nagpunta sa kusina para magluto ng agahan nila.


"Baliw na baliw talaga iyang si Madc sa boyfie niya. Batukan mo na kasi Mel"


"Hay nako Jaki. Gustong gusto ko na talaga iuntog, napakamartyr niya Girl"


"Hahahaha hayaan mo kapag nakita ko iyon babatukan ko talaga. Di pa siya nagkukwento sa akin"


"Mastress ka lang Girl kaya wag mo na alamin. Ihanda mo na lang sarili mo sa kasal niyo ni Meme"


"Baliw medyo matagal pa iyon"


"Matagal? Ilang weeks na lang kaya at diba  halos tayos na lahat basta entourage ako Jaki ah"


"Oo, di ko kayo makakalimutan basta gusto kong gift house and lot"


"Grabe naman Girl! Mas mayaman ka kaya sakin"


"Hahahaha biro lang. Basta isasama ko kayo sa ganap ko. Ipipilit ko iyon kay Vice"


"Lakas talaga namin sayo. Sige na, magluto ka na diyan. Chinika ko lang talaga sayo ang ganap ni Madc"


"Sige, see you tomorrow na lang. Bye Mel"


Napailing na lang ako sa pagbaba nang phone ko.


Kay aga-aga nagchichismisan kami ni Melvie. Heto naman kasing si Madc hindi pa hiwalayan yung manloloko niyang boyfriend. Talagang ayaw niya maniwala sa sinasabi namin.


Kaunti na lang talaga sasaktan ko na iyong kaibigan ko.


Nagpri-prito ako ng hotdog nang may yumakap sa akin galing sa likod.


Tuwing UmuulanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang