TWENTY SEVEN

248 18 6
                                    

"Nasaan po si Daddy?" Tanong ni Jaice kay Ate Tina na siyang sumundo dito. Ilang araw na rin siyang hanap nang hanap sa daddy niya na ni tumawag sa anak ay hindi magawa. May ideya naman si Jaki kung bakit ngunit ayaw niya rin makaistorbo kay Vice. Hindi niya rin alam kung dapat ba siya ang mauna makipag-usap dito pero para saan? Kailangan pa ba niyang ipaliwanag ang nakaraan niya?



"May photoshoot kasi siya ngayon kaya hindi ka niya masusundo. Wag ka mag-alala kasi pupuntahan naman natin siya" Sagot ni Ate Tina. Tumango lang ako bago iabot sa kanya ang ilang gamit ni Jaice.



"Ingat kayo. Jaice, ang bilin ni Mommy ah"



"Opo. Masusunod po" Niyakap siya ng bata at hinalikan nang marami.



"Paki-kiss na lang po ako kay Tito Daddy and tell him Mommy na wag po muna siya aalis kasi magpeplay pa po ulit kami"


"Oh sure baby girl"


Pagkatapos magpaalam ay umalis na rin sila Ate Tina. Pumasok na si Jaki sa bahay nila ay naglinis linis muna. Wala pa si Ion na maagang umalis dahil may importanteng aasikasuhin na hindi na niya tinanong kung ano. Nang matapos sa gawain ay naligo na siya at naghanda para sa pagpunta niya kila Mommy Che. Ngayon niya balak ipakilala si Ion sa mga magulang at kapatid niya.



"Ni hindi ko manlang napaghandaan ang pagpunta ko sa inyo. Sarili ko lang ang dala ko, wala manlang foods or anything pampapogi points" Natawa na lang ako sa sinabing 'yon ni Ion. Alam kong dinadaan niya lang sa biro ang kaba na kanina pa niya nararamdaman.



"Tss. Pogi ka naman na kaya hindi mo na kailangan magpapogi pa at isa pa magugustuhan ka nila"



"Sana nga Jaki" Saad niya bago abutin ang isang kamay ko at halikan. Tutok na tutok siya sa pagmamaneho kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya.


Napakaswerte ko sa taong ito. Akala ko dati hindi na ako makakaahon sa problema ko, sa mga pinagdadaanan  ko pero bigla siyang dumating para sagipin ako sa pagkalugmok. Kung wala siya malamang wala na rin ako, malamang wala si Jaice.


"Miss Ganda tama na ang pagtitig sa akin. Alam ko na pong gwapo ako kaya please lang tama na muna. Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo" Napabalik lang ako sa wisyo sa sinabi niyang iyon. Napahiya nang kaunti bago sumilip sa labas.



"Tara na?"


"May itak ba diyan ang Daddy mo?"



"Hahahaha. Sira. Hindi ka naman nun sasaktan" Bumaba na kami sa sasakyan kahit kabang kaba pa siya. Namumutla at pinagpapawisan na parang anytime ay mahihimatay.


"Hindi sila kumakain ng tao Ion kaya chill ka lang"


"Palibhasa wala kang moment na ganito nung pinakilala kita sa parents ko" Saad niya. Kinabahan rin naman ako nung mga panahon na iyon kaya lang napalitan din nang kaunting lungkot kasi hindi ko inaasahan ang makikita ko. Hindi ko alam na wala na pala siyang magulang at sa puntod nila niya ako dinala.



"Magugustuhan ka nila" Paninigurado ko sa kanya.


"Ma!"


"Nandyan na pala sila Jaki! Pasok Anak!" Pinagbuksan kami ni Mommy Che ng gate at ang nakakatawa ay si Ion ang una niyang niyakap.


"Napakagwapo nga pala nito ano?! Pasok ka Hijo, nagluto ako para sa inyo"


"Mommy, ako anak mo" May halong pagtatampo na sabi ko.

Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now