THIRTY TWO

184 10 4
                                    

"Ma? Bakit niyo naman pinayagan? Hindi naman araw ni Vice ngayon para mag-alaga sa anak namin. Sige po, ako na susundo sa kanya"


Aligagang ibinaba ni Jaki ang telepono, kinuha ang susi ng sasakyan niya para pumunta sa bahay ni Vice. Kinontact niya rin si Ion pero walang sumasagot. Kanino pa siya hihingi ng tulong?


"Ano ba Vice?! Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo kaya please kunin mo na yung mga gamit ni Jaice at palabasin mo siya diyan sa bahay mo" Naiinis na tugon ni Jaki. Kanina pa siyang nakikipagtalo sa lalaking 'to pero ginigiit pa rin na wala doon ang anak niya.



"Tamaan na ako ng kidlat ngayon Jaki. Wala dito ang anak natin, mamatay man ako--"


"Wag! Ayokong mawalan ng daddy si Jaice"


"May Tito Daddy naman siya ah, pwera na lang kung ako pa rin ang gusto mo...gusto mong daddy niya. Aray! Mapanakit!" Nahampas kasi siya ng dalaga sa hirit niyang iyon.


"Hindi panahon para magjoke ngayon. Pwede ba? Ilabas mo na kasi si Jaice! Kundi gagawa ako ng eskandalo dito!"



"Tss. Pumasok ka pa sa bahay ko, bahay na rin natin dati. Maghanap ka kung gusto mo" Pinagbukas siya nang gate ni Vice. Walang pagdadalawang isip na pumasok si Jaki samantalang dati ay halos itaga na niya sa bato na hindi na siya muling tatapak sa pamamahay nito.



"Jaice! Anak!! Tara na!!"


"Tama na pakikipag-hide and seek baby, pagod na si Mommy!"


"Jaice!!"



"Oh? Sabi ko sayo wala dito diba?" Taas-kilay na tanong ni Vice.

Napaupo na lamang si Jaki sa kama sa dati nilang kwarto ni Vice dahil sa pagod.



"Napagod ka no? Kung naniwala ka na lang kasi sa sinabi ko. Ikaw kasi eh, feeling mo palagi nagsisinungaling ako" Naparoll eyes na lang si Jaki bago inumin ang inabot na tubig ni Vice sa kanya.


"Pasensya na dito sa design at kung anu-ano sa room ko. Alam mo na, sobrang dami kasi nating memories dati. Hindi madaling itapon at burahin yung mga pictures kaya ayan, pinaframe ko na lang. Ang gaganda no? Kaso ayun nga, memories na lang. Alaala na lang"



"Tawagan mo yung mga kaibigan mo baka alam nila kung nasaan si Jaice. Ibalik mo siya sa akin bago sumapit ang gabi"



"Jaki, sandali" Napatigil naman ang dalaga.



"Ano?"



"Wala. Hintayin mo na lang ako sa baba" Tanging tango ang nakuha niyang sagot. Napabuntong hininga na lang si Vice bago hanapin ang phone at isa-isang tawagan ang malalapit na kaibigan.

"Dinala raw nila sa beach si Jaice" Pagbabalita ni Vice.



"Bakit hindi pinaalam nang maayos? Ang sabi ni Mommy sa akin pinapasundo mo raw!"



"Wag ka naman sumigaw. Kalma. Ako na nga itong nag-uupdate sayo eh"


"Anak ko 'yon! Malamang ganito ang magiging reaksyon ko!"


"Anak ko rin naman 'yon pero hindi ganyan ang reaksyon ko"


"Sige pa! Mamilosopo ka pa!"


"Oh sige! Sabi mo eh"


"Arghhh! Nakakainis ka na Vice. Saang beach ba raw nila dinala ang anak ko?!"


Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now