SEVENTEEN

330 23 20
                                    

"Hindi po ba ako pwedeng sumama?" Napabalik ako sa may pinto kung saan nakatayo si Jaice. Nasa tabi niya si Nanay na napakibit balikat na lamang.




"Mabilis lang naman si Daddy. Siguro four to five hours lang. Basta after ng show uuwi agad ako para makapagplay tayo"



"Isama mo na lang po ako Daddy. Please" Nagpout pa siya at nagpacute pero umiwas agad ako nang tingin.




"Bibilhan na lang kita ng pasalubong. Gusto mo ba iyon?" Umiling iling pa siya bago ulit nagsalita.




"Gusto ko po sumama"




"Baby...gusto ka kasing makabonding ni Nanay tapos ni Ate Camille mo. Diba nga sabi niya tuturuan ka niya mag-ayos nung doll house na regalo niya"


Nakailang pilit at pambobola pa ako bago ko siya napapayag. Gusto kasi siyang makasama ni Nanay ngayon, excited na makabonding ang apo niya. Natatandaan ko pa nga yung pinong kurot na natanggap ko sa kanya nung sinabi ko na may anak pala kami ni Jaki. Nagdahilan pa akong hindi ko alam na buntis siya pero nakurot ulit ako. Ano daw ba pumasok sa isip ko para gawin iyon kahit hindi pa naman kami naikakasal? Walang magagawa conservative at traditional man ang nanay ko, maharot naman itong anak niya.



"Dapat kasi sinama mo na lang si Jaice dito para hindi mo siya namimiss katulad niyan" Sermon sakin ni Steph habang nandito pa kami sa dressing room ko. Commercial break pa at magkasama kami sa segment mamaya.




"Grabe yung attachment ko sa anak ko parang gusto ko palaging nasa tabi ko siya kahit nitong kailan lang naman kami nagkita" Halos hindi makapaniwala kong sabi. Maghapon din naman magkasama kahapon dahil Sunday at wala akong trabaho. I mean wala akong tinanggap na trabaho para maalagaan ko siya. Tatlong araw siya sa akin habang apat naman kay Jaki. Iyon ang kasunduan namin pero walang agreement na napirmahan para doon. Usapan lang talaga.




"Halata naman sayo. Ang ganda kaya ng mood mo lately. Ang aliwalas tapos alam mo ang mas nakabuti pa doon..."





"Ano?" Tanong ko. Lumipat siya sa harap ko bago sumagot.



"Wala ka ng time para awayin ako" Napaismid naman ako samantalang siya ay tumatawa. Ilang beses ko pa bang sasabihin na hindi nga away 'yon. Sabihin na natin na ganun ako maglambing sa kanya.





"Inaasar lang kita pero hindi kita inaaway. Sobrang magkaiba 'yon"




"Tse. Ikaw nga ang pikon sa ating dalawa tapos aasarin mo pa ako. Salamat talaga kay Jaice kasi wala ka nang time para gawin 'yon. Salamat sa pagdating niya"



"Lumayas ka na nga dito!"




"Hahahaha. Pikon talaga" Tumayo naman siya at naglakad na palabas pero bumalik ulit. "Sabay tayo umuwi mamaya, dala ko yung baby ko"




"Nabili mo na?"




"Yup. Ihahatid kita pauwi. Maexperience mo naman sumakay sa baby ko" Pagyayabang niya.




"Sige. Daanan kita sa DR niyo mamaya. Alis na!" Pagtataboy ko ulit sa kanya. Nagmake face pa siya bago sinara ang pinto. Hay nako. Babaeng iyon talaga.




Di ko alam pero napangiti niya ako.





"Direk. Alis na ako, pakisabi na lang sa ibang artists na sorry. Kailangan ko na talaga umalis" Patakbo akong umalis at nag-utos sa driver na pumunta sa isang kilalang ospital.





Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now