THIRTY FOUR

356 11 7
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa mukha ko. Nag-inat inat bago naupo sa dulo ng kama.


"Good morning" Bati ko sa larawan sa side table ng kama ko. Ang mag-ina ko.


Naghilamos at nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba para magluto ng breakfast.


Alas otso pa lang pero may maliit na tinig akong narinig na tumatawag galing sa labas. Tinapos ko na ang niluluto ko bago pagbuksan ang aking bisita.


"Good morning Daddy Vice" Ginulo-gulo ko ang buhok ni Jelo habang natawa na lamang ang yaya niya.


"Maaga nagising Sir Vice at may pupuntahan daw kayo"


"Kapag talaga sa crush niya ganadong ganado ka Jelo" Pambubuking ko sa kanya.


"Eh? Boto naman po kayo sa akin" Sagot niya.


"Sinong nagsabi?"


"Wala pong nagsabi pero hindi niyo naman po ako papayagan na magpunta dito kung hindi po kayo payag. At hindi niyo rin po ako isasama mamaya sa lakad niyo kung di po kayo boto sa akin. Diba po?"


"Nako. Pasensya na Sir Vice sa kadaldalan nitong alaga ko"


"Sanay na sanay na po ako diyan. Akin na po 'yang gamit niya. Ako po muna magbabantay dito sa makulit niyong alaga"


"Makulit pero?..."


"Gwapo" Dugtong ng yaya niya. "Sige na Sir Vice. Mag-ingat po kayo sa lakad niyo"

"Babye po"


Pinag-almusal ko ulit si Jelo kahit ayaw niya. Halos alas-diyes na kami nakaalis dahil naligo pa ako at sabi nga nitong bata, nagpagwapo.


"Bakit po may flowers at ano po 'to? Pasalubong?"


"Secret" sagot ko.


"Nililigawan niyo po ba si Tita Jaki?"


"Secret"


"Lahat na lang po secret"


"Ang daldal mo Jelo"


"Hahaha. Sabi niyo po sanay na kayo"

Hindi naman ako nabored kahit traffic dahil sa kasama ko. Ang daldal at ang daming kwento. Ultimo pati ang plano niya sa future nila ng anak ko ay nasabi niya. Akala mo kung sinong binata na nanliligaw at nagpapalakas sa magulang.


"Kailan ko po ba siya pwedeng ligawan?"


"Siguro kapag 18 na kayo"


"Ang tagal naman po pero maghihintay po ako. Sabi po ni Daddy ko kagabi si Mommy ko daw po matagal niya rin niligawan"


Nakinig na lang ako sa mga kwento niya. Hindi talaga nauubusan eh.


"Nandito na tayo. Ireserba mo 'yang energy mo. Mamaya di na kayo makapaglaro ni Jaice"


Madaming tao pero hindi naman naging makulit si Jelo. Palagi lang siyang nasa tabi ko hanggang mahanap namin sila Jaki.


"Jelo!" Sigaw ni Jaice bago nakipaghigh five sa kaibigan.

"Nauna pa yung kaibigan ah"


"Hi Daddy" Sinalubong niya ako nang mainit na yakap at sunod sunod na halik sa pisngi. Nakabawi siya kaagad sa akin sa ginawa niya.


Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now