PROLOGUE

47.9K 678 46
                                    

May mga tanong talaga sa aking isipan na nanatili simula nang magkaisip ako sa bahay ampunan. Hindi tulad ng mga bata na nakakasama ko roon, lagi akong nagtatanong kina sisters kung saan ang pamilya ko, bakit ako naroon at bakit walang gustong umampon sa akin. Kahit hindi naman nagkulang ang mga madre na bigyan ako ng atensyon, naroon parin ako masasadlak sa pangungulila sa totoong pamilya. Gusto kong magtanong sa kanila kung nasaan ang mga ito, na ibigay nalang nila ang kinaroroonan ng mga ito at kung pwede ay ako nalang ang maghanap sa pamilya ko, pero lagi nilang sinasabi sa akin na huwag na huwag akong mawawalan ng pag-asa dahil darating ang ate ko, ang nag-iisang pamilya ko na tatanggap sa akin.

Halos araw araw akong nagdarasal sa butihing Panginoon na sana ay dumating na siya. Ngunit araw araw din naman akong nadidismaya.

May mga bata akong nakasama na kasabayan ko nang lumaki sa bahay ampunang iyon, dumating ang mga oras na inampon na sila at ako na lamang ang natira. Napag-iwan na ako, maging ang taong nag-iisa kong nakasama sa bahay na iyon ay iniwan na rin ako.

Mula magka-isip ako ay gusto kong malaman kung bakit nandito ako sa lugar na ito. Bakit hindi ako katulad nang mga napapanood ko sa telebisyon, bakit sila may mama, may papa, ang iba ay may kapatid pa. Ang saya nilang tingnan. Isang nanay na nag-aalaga sa mga anak at ang tatay na aalis ng umaga sa bahay upang maghanap-buhay. Gusto niyang maranasan 'yon. Na may inang tutulungan niya sa gawaing bahay at ama na ipagtitimpla niya ng kape.

Minsan, matatagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa garden. Yon na ang ginawa kong paraan upang malibang at maihiwalay sa isipan ko ang maraming katanungan. Naging panglipas oras ko na ang pagtatanim at pag-aayos ng hardin ng bahay ampunan. Hinahayaan naman ako nila sisters pero hindi talaga mawawala ang mga taong walang alam kung hindi ang makialam ng buhay ng may buhay. Sina Carla at Marine ang madalas na umaapi sa akin doon, wala akong ideya kung bakit nila ginagawa 'yon.

Hindi ako madalas mapili sa mga activity o kahit na saang pagtitipon ng bahay ampunan. Sila, mayroon silang mga kaibigan. Ako, nanatiling malungkot ang buhay.

"Aalis na ako bukas dito. May mayamang mag-asawa ang aampon sa akin" 'yan ang narinig ko nang papasok ako sa silid naming mga babae. Sina Carla 'yon at Marine. Naroon nanaman ang masungit na tingin nito nang mapansin ang pagpasok ko. Mukhang mas lalo niyang nilakasan ang boses para marinig ko. Hindi talaga siya nagsasawang awayin ako, buti nalang at naroon si Kuya Christian upang ipagtanggol ako.

Si Kuya Christian ang pinakamatandang orphan na kasama namin. Marami ang gustong umampon sa kaniya pero lagi na lamang siyang gumagawa ng paraan para lamang hindi siya umalis sa bahay ampunan. Minsan ay hahagisan niya ng palaka ang mga may balak umampon sa kaniya, minsan naman ay magkukunwari siyang lampa. Nang minsan ay natanong ko siya kung bakit niya 'yon ginagawa, ang sabi niya sa akin ay wala siyang balak umalis doon, gusto kasi niyang balikan siya ng mama niya kaya hindi siya pwedeng umalis doon. Isa na raw din dahilan ang ayaw niya akong iwan.

"Talaga?" Manghang-mangha si Marine sa narinig mula kay Carla. Nasagap ko na ang balitang aalis na nga si Carla rito, may umampon kasi sa kaniya na mag-asawa.

"Oo, buti pa ako. Ang dinig ko ay si Erriah ang dapat nilang aampunin pero dahil mahina siya at walang kwenta ay ako nalang ang kukunin nila. Malusog raw kasi ako at hindi sakitin" proud na proud na sabi nito.

Tulad ng isang babasaging pinggan na nahulog sa sementong sahig, ang puso ko ay parang pinagpirapiraso. Alam ko naman ang pare-parehong dahilan ng nagtangkang pumili sa akin. Pagkatapos malaman ang kahinaan ng puso ko ay kasunod noon ang pagtanggi o pag-urong nila sa pagpili sa akin.

May nagtangka nang umampon sa akin. Marami-rami na rin pero pagkatapos nilang malaman na may sakit ako ay hindi na nila ako inaampon. Ayaw raw kasi nila ng pabigat.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now