NINE

20.9K 432 17
                                    

"SAAN MO ako dadalhin?!" Medyo kinakabahan na ako. Napahawak ako sa seatbelt na si Zarrick mismo ang nagsuot sa akin.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay naramdaman ko nalang ang pagbilis ng pagtakbo ng sasakyang lulan namin.

"Ano b-ba, Zarrick?! Saan mo ako dadalhin?!"

Hindi niya parin ako sinasagot. Huminto ang sasakyan. Agad akong tumingin sa labas at napansin kong nasa liblib kaming lugar, sa hindi masyadong dinadaanan ng tao. Sa bawat gilid ng daan ay matataas na talahib at naglalakihang puno. Napatitig ako kay Zarrick, seryosong seryoso ang mukha niya nang bumaling sa akin. Hindi mababakas doon na maari mo siyang mabiro. Nakakapanindig balahibo ang pagtitig niya sa akin ngayon, tila hindi siya si Zarrick, mas nakakatakot ngayon ang awra niya.

"I want to show you how bad I am" ngisi niya, tulad ng mga napapanood ko sa TV na kontrabidang may balak gawing masama.

"Za.. Zarrick, b-baka naman p-pwede mo na akong i-uwi" napakagat labi ako pagkatapos sabihin yon dahil nanginginig na ang buo kong katawan.

"I saw you flirt with that guy, Erriah. You just made me so fcking mad. I already warned you, didn't I?" gigil na sabi niya. Nakatiim parin ang kaniyang panga. Pinaninindigan talaga ang paratang niya. "Now, be a good girl and do what I say, alright?"

Umiling ako, tumulo na ang sunod sunod na luha sa aking mata. Natatakot ako sa pinapakita niya. "Tama na, Zarrick, p-pakiusap..umuwi na tayo. Wala naman akong ginagawang masama. Ni.. sandali ko l-lang siya nakausap. Hindi ako nakikipaglain sa-ano ba! Huwag mong bilisan!"

Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Ang bilis ng pagmamaneho niya.

Mas lalo yatang dumilim ang mukha niya. Mas lalo lamang siyang nagalit sa sinabi ko. "I told you, Erriah. Just be a good girl this time. Do what I say and behave"

May pagbabanta sa tono niya. Bakit ba ganito ang ugali niya? Ang hirap niyang intindihin. Ang hirap niyang unawain. Napakakomplikado niya.

Lumabas siya sa kotse niya at naglakad para pagbuksan niya ako ng pintuan. Umiling iling ako sa kaniya nang inilahad niya ang kamay niya sa akin, pilit na pinabababa ako. "Ayoko..p-pakiusap, ayoko. Umuwi na t-tayo"

Napapikit siya ng mariin. "Mas lalo mo lang akong ginagalit"

Napatili nalang ako nang marahas niyang alisin ang seatbelt ko at umangat ako sa ere. Binuhat niya ako na parang sako, may kasama pang malakas na palo yon sa aking pwetan. Napatili ako dahil sa ginawa niya.

"B-bakit ka ba nagagalit!? Wala akong g-ginagawang masama!"

Napupuno na ako sa ganitong pag-akto niya!

Naglakad siya, malabo na ang paningin ko dahil sa luha kaya naman hindi ko na magawang makita kung saan kami papunta. Basta dinig na dinig ko ang tunog ng pagtapak ng kaniyang sapatos sa tuyong mga halaman at ang tunog ng panaka-nakang pag-ihip ng malakas na hangin.

"Za..rick.. huwag mong patunayan ang mga paratang nila sa'yo. Alam kong mayroon paring kabutihan sa'yo, kaya please, huwag mong gawin ito"

Rinig ko kung paano siya umismid sa akin, "You know, baby, I really want you"

"Huwag, please!" Nakarinig ako ng pagkatok. Si Zarrick yon. Itinaas ko ang ulo at nakita ko ang isang maliit na bahay na gawa lahat sa kahoy. Isa lamang yong maliit na bahay pero mukha yong modernong bahay na nasa gitna ng kakahuyan. "Zarrick..umuwi na tayo"

Ngunit parang hindi ako narinig ni Zarrick. Nagpatuloy siya sa pagkatok hanggang sa isang lalaki na nakasuot ng black coat ang nagbukas noon para sa amin. Parang nanginig ako lalo sa kaba nang makita ko itong ngumisi kay Zarrick. Mayroon siyang madilim na awra.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now