NINETEEN

16.1K 298 14
                                    

SA TATLONG LINGO NAMIN SA MANILA kasama si kuya Leandro, hindi ko na muli pang nakita si Zarrick. Naroon parin si ate. May takot parin sa magulang ng tatlo. Ramdam ko ang bawat pag-aalala niya sa tuwing nakikita ko siyang tulala. Mahirap din sa akin ito, lalo na ang nag-iisang taong tumanggap sa akin ay nahihirapan.

Alam kong gagawin lahat ni kuya Leandro para kay ate Harrietta. Mahal niya ang kapatid ko, alam kong tunay 'yon.

Muling sumagi sa aking isipan si Zarrick. Yunh mga masasakit niyang salita na hanggang ngayon ay dinaramdam ko pa. Mahirap pero tatanggapin ko dahil tama siya, alam kong isa siyang manlalaro at ang katulad niya ay hindi makakabuti sa akin nang una ko palang siyang makita pero hinayaan ko paring mapaikot ako sa mga palad niya.

Kinuha ko ang ibinigay na cellphone ni kuya Leandro sa akin. Naroon ang mga cellphone number ng mga kapatid nito. Napatitig ako sa numero na may pangalan ni Zarrick. Tatawagan ko ba siya? Pero isinampal na niya sa akin ang katotohanan na hinding-hindi niya ako mamahalin.

Pero yung pag-asa, naroon parin. Nagagalit ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko patuloy parin akong naniniwala na mayroon kahit konting pagtingin si Zarrick para sa akin.

Nagsimula akong mag-type. Gusto kong saktan o pagbuhatan ng kamay ang sarili ko. Subalit, bago pa man ako makapagpadala ng mensahe ay nakatanggap na ako mula sa kaniya.

Muntik pang mahulog ang cellphone ko dahil sa pagkataranta.

From Zarrick: Don't come near him again. Don't talk to him.

Ha? Naguguluhan parin ako nang muli kong binasa ang kaniyang mensahe.

I texted back.

To Zarrick: Sino? Kahit kailan talaga, Zarrick. Ang gulo gulo mo.

Halos maglilimang minuto muna ang lumipas bago ako nakatanggap ng reply niya.

From Zarrick: Stop talking to Kiyo! Stop coming near him! Hell, don't even look at him!

Napabola ang aking nguso. Napasapo sa aking noo at napailing. Kaunti nalang ay maniniwala na ako sa isipang nagseselos siya pero pagkatapos ng narinig kong mga salita mula sa kaniya, muli nanamang pumasok sa aking isipan ang malaking salita 'Huwag'. Na tama na ang maling pag-asa.

Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi mo na ako mapapaikot sa mga kamay mo, Zarrick. After making me realize my stupidity? Akala mo babalik nanaman ako sayo na parang tuta? Hindi!

Pagkatapos, sunod sunod nalang ang pagpasok ng mensahe mula sa kaniya.

From Zarrick: Don't make me mad again, Erriah. You know me.

When you talk to him again, I'm sure to hell, I will punish you. I won't stop myself anymore.

Gago ba siya? Oo, gago siya!

May condo rin dito si Kiyo at nakilala ko lang ito nang nakaraan. Isa siyang college student na nakabungguan ko sa elevator. Mula nang malaman niyang nakatira kami rito ay dinadalhan na niya kami ni ate ng meryenda, culinary arts ang kaniyang course. Ang kwento niya pa sa akin ay may ari ng mga restaurants ang kaniyang magulang.

To Zareick: Ako pa ba ang tinakot mo?

I replied. Bahala siya kahit mapuno pa siya. Hindi na niya ako masisindak.

Muli nanamang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang kaniyang mga sinabi nang araw na yon. Napairap ako sa hangin ngunit hindi n'on nagawang pahintuin ang mga luha ko. Ang sakit sakit nanaman tuloy. Grabe naman kasi ang mga salita noon ni Zarrick, tagos na tagos. Bakas 'yon sa kaniyang mukha nang mga sandaling 'yon.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now