TWO

25.8K 497 19
                                    

Mararahan ang tapak ko sa madulas na marmol ng mansyong iyon. Ang mabigat na paghinga ko ang tanging naririnig sa buong pasilyo. Napatingin ako sa aking likuran ng makaramdam ng presensya doon at mula doon, sa hamba ng pintuan papunta sa maid's quarter ay nakatayo ang isang pigura ng lalaki. Mula sa halos perpekto niyang pangangatawan alam kong si Zarrick ang taong 'yon.

Mula sa mga mata niyang kay lalim tumingin, alam ko na kung anong tumatakbo sa isipan niya. Gusto niyang mas malunod ako sa kaniyang mga iniisip o inaasahan. Gusto niyang mas lalo akong maghanap ng kasagutan. Pero mas pinili kong huwag magpalunod sa mga ginagawa niya. Siya lang ang magtatagumpay bandang huli at ako, ayokong mauwi katulad ni ate Shel. Ayokong mapasama sa mga taong sabik sa ganoong bagay. Sex is not the only thing important in this world, siguro ganoon para kay Zarrick. Para siyang isang tigre na nag-aabang sa munting pagkain nito, at oo, ako ang pagkaing gusto nito.

Nanatili lamang siyang nakatayo doon, pinagmamasdan ako. Waiting for his prey to finally give in. Hindi pwede, hindi ako pwedeng madala sa laro niya dahil alam ko ang kauuwian ko kapag hinayaan ko siyang manalo. Hindi ako katulad ni ate She na hinayaan ang sarili na mahulog ng tuluyan sa kagaya ni Zarrick dahil sa unang pagkikita palang namin ay alam kong panganib lang ang dala niya. Idagdag pa ang mayabang niyang awra, maging na ang pagiging snob niya minsan.

Ayokong matulad kay ate Shel na akala mo si Zarrick lang ang umiikot sa mundo nito. Hindi ko hahayaan na maging ganoon ako. Na maging sunod-sunuran sa lalaking ito.

"Anong gusto mo?" Mahinang ani ko, hindi ko alam kung aabot ba 'yon sa pandinig niya.

Kitang kita ko kung paano tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Mukhang mas lalo pa siyang nag-eenjoy sa pagtataray ko. 'Yon ang ayaw ko, ang mas lalo niya pang magustuhan ang nangyayari. Alam ko naman na halata marahil sa mukha ko ang kaba.

Kahit na nanginginig ang aking mga tuhod, pinilit ko parin ang maglakad papunta sa kinaroroon niya. Tila may kung anong humila sa akin para gawin 'yon. Alam kong pwede kaming mahuli, or worst makita ako ni ate Harrietta na kausap ko ang amo nila.

Zarrick stood straight, leaving the door frame. Pinag-ekis niya ang mga braso at saka siya tumitig sa akin pagkatapos. "You know what I want, silly. Don't act so dense. I know that you are a smart girl somehow. Right, doll?"

"Hindi mangyayari ang bagay na 'yon" taas ko ng mukha sa kaniya, labis na nilalabanan ang panginginig ng mga kamay. Please lang, huwag kang bibigay. Stand straight! "Hindi ka pwedeng mamilit ng babae. Magiging rape na 'yon"

"Oh, doll. I don't force women. And we both know that you will eventually give in. I will wait for you, when you come to eat your own word"

Umiling ako. "Ayoko sa'yo. Hindi rin ako natatakot sa'yo. Hindi—"

Amusement was written on his face. "That's not what I see with your shaking hands and knees. What me to carry you? Just tell me,my doll and I will give you what your mind wants" muling tumaas ang sulok ng labi niya. Ang sabi ni ate Lane ay tahimik at hindi palakibo ang lalaki pero bakit ang daming lumalabas sa bibig nito pagdating sa kaniya. Ayaw ko sa pinapakitang pagka-interesado nito sa akin. Hindi ko 'yon gusto.

"Don't look at me like that" he continued. "I know what you really feel, Erriah" at sumabog nanaman sa aking dibdib ang estrangherong pakiramdam na 'yon matapos niyang banggitin ang pangalan ko. Parang lulukso palabas ang puso ko. Marahil ay dala lamang 'yon ng kaba. Oo, 'yon nga 'yon.

"Baka makita ka pa ni ate Shel" parang lutang na sabi ko. E, ano ngayon kung makita siya ni ate Shel. Magkasintahan naman yata ang dalawa, dapat ay labas na ako doon.

Hindi ko parin nakakalimutan ang mga lumabas sa bibig niya nang nakaraan. Kahit na ilang araw na ang lumipas nang mangyari 'yon ay hindi ko parin makalimutan 'yon at ang kakaibang pakiramdam na siyang labis na naghahatid ng init sa akin. Ang mga hindi kaaya-ayang akto niya minsan, o mga salitang hindi niya yata pinag-iisipan, mas lalo 'yong nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Iniwan ko siya nang mga oras na 'yon pagkatapos niya akong komprontahin ng ganoon. Hindi naman niya ako sinundan pa pero pagkalingon ko ay nakita ko siyang nanatiling nakatingin sa akin. Tutok yata ang mga mata hito kahit sa paglabas ko sa coffee shop na 'yon.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon