SIX

22.4K 427 7
                                    

"YOU ARE SO BEAUTIFUL, Erriah"

Pang ilang beses na ba niyang sinabi 'yon? Kanina niya pa bukambibig ang mga salitang 'yon pagkatapos ay tititigan ako ng ilang minuto.

Dala marahil ng kakaibang pakiramdam ay mabilis akong humiwalay sa hawak niya. Nasa tabi kami ng pool at laking pasasalamat ko ng hindi ako nahulog doon nang umatras ako.

Hindi siya nagtangkang gumalaw muli, hindi na sumubok na hawakan pa ako. I saw a burning desire flickered on his almond eyes. Yung titig niya, para siyang mangangain. Napakagat labi ako. Pinilit kong huwag magpahalata na apektado ako sa ginagawa niya. Napansin ko naman ang paglunok niya, bumaba taas ang adams apple niya. Natutok tuloy ang mga mata ko sa parteng yon pero agad ding umiwas nang mapansin ang pagtitig muli ni Zarrick.

"I want to kiss you" aniya.

Ang akala ko nagbibiro lang siya pero nang manatili ang malalim niyang tingin sa akin, ako naman ngayon ang napalunok. Isa siyang seryosong tao na hindi yata nagbibiro sa ganoong klaseng bagay, alam kong seryoso siya sa sinabi niya at may kakayahan siyang gawin yon sa akin pero hindi ko siya maaring payagan.

"A-ano?" Kinabahan na ako nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Ang kaninang ilang metrong pagitan namin ay ilang pulgada na lang. Mahigpit ang naging paghawak niya sa aking palapulsuhan at hinila ako. Sumampal ang maliit kong katawan sa malapad at matigas niyang dibdib. Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga na humalik sa gilid ng aking kaliwang pisngi.

"I know that you heard me loud and clear, doll. But if you want to act dumb, then be my guest. I should just do it without even blurting it out next time" umiling siya, tila may gustong iparating sa sarili. Panandaliang tumiim ang tingin niya sa akin pero nang bumaba ang tingin niya sa kaunting nakauwang kong labi ay mahina siyang napamura. "Fck it. I don't fcking care if you're still a minor. There's no fcking next time" naging mabilis ang sumunod niyang pagkilos at nakita ko na lamang ang sarili kong nalulunod na sa kaniyang halik.

Gulantang ako dahil sa ginawa niyang 'yon. Natapos ang halik niya na hindi ko manlang nagawang gumalaw. Parang naging tuod ako at hindi parin ma-sink in sa utak ko ang nangyari.

Humiwalay ng kaunti ang kaniyang mukha sa akin, mukhang sinuri lang ang aking reaksyon. Nanatili naman sa mukha ko ang pagkagulat. Hindi talaga makapaniwala sa ginawa niya. Parang naumid na ang dila ko at hindi rin ako makabuo ng salita.

Kumunot ang noo niya. Tumitig sa akin ng ilang segundo at umambang hahalik nanaman.

Nang magising ako sa nangyayari ay agad ko siyang tinulak pero mas masyado siyang malakas para sa akin. "Anong ginawa mo?!" Nagkakawag ako paalis sa pagkakahawak niyq pero hindi niya ako binibitawan. Sa bawat pagpiglas ko ay mas lalo lamang humihigpit ang hawak niya sa akin. Tila ayaw niya akong pakawalan.

Ramdam na ramdam ko kung paano gumalaw ang labi niya kanina, kung paano niya takpan ang sa akin. Kung paano niya galawin sa malambot na ritmo ang labi niya. Ramdam ko parin ang pagiging banayad ng huling halik niya sa akin.

"You're not that innocent, doll. I know that you have an idea how kiss works" masungit niyang balik sa pagkainis ko. At siya pa talaga ang may karapatang magsungit ngayon? Ako dapat ang nagagalit at ang balak ko pa ay sampalin siya, pero bakit hindi ko magawa.

May gusto akong malaman nang halikan niya ako, pero alam ko rin sa sarili ko na kapag nagpatupok ako sa apoy na hatid niya ay tuluyan akong mapapaso. Ayoko, hindi dahil natatakot akong mahuli, kundi dahil siya si Zarrick. Natatakot ako sa pwedeng kahantungan ko dahil siya si Zarrick, ganoon kasimple. Marunong siyang magmanipula ng tao ng hindi siya nahihirapan. Ang dali-dali niya ngang manipulahin si ate Shel at ngayon anong nangyari rito? Nahulog ito ng husto at saksi ako kung paano nasasaktan si ate Shel sa sitwasyon nito.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now