THREE

24.9K 506 7
                                    

"Anyare, 'te?" Tanong sa akin ni Anton nang makita ako. Kasama niya si Bea na abala sa pagbabasa ng libro. "Ba't ganyan feslak mo? Para kang tumatakas sa maraming zombie. Resident evil lang ang peg mo? Ikaw si Alice gan'on?"

Sinamaan ko siya ng tingin na siyang nagpatawa sa kaniya. "May quiz tayo ngayon sa Science. Hindi ka magre-review?"

"Naku, hindi na need 'yan ng tulad kong mabrainy. Basic! Basic lang sakin 'yan. Mamanihin ko lang 'yan" sinundot sundot niya pa ang kaniyang braso na akala mo kalakihan.

"Kailangan mo parin mag-review. Lalo na ikaw, hindi mo mamanihin 'yon, maynimo ang gagawin mo mamaya" irap ko sa kaniya. Sumimangot siya at inagaw ang binabasa ni Bea.

"Where's Joa anyway? Palagi nalang siyang hindi sumasama sa atin"

Iyon nga rin ang pinagtataka ko, lagi itong busy at hindi masyadong nakakasama sa amin nitong nakaraang araw. Kung hindi naman ay magpapaalam agad na may gagawin.

"Baka may sugar daddy na" si Bea ang nagsalita. Alam kong nagbibiro lang siya pero bakit parang insensitive ang biro niyang 'yon para sa akin? Lalo na at wala si Joabelle ngayon dito.

"Naku, Bea. Mabait na bata si Joa, hindi mo siya katulad" si Anton ang nagbara dito. Inirapan lang siya ng babae. Parehas naman kaming natawa ni Anton nang bumungisngis pa ito.

Bumalik ang isip ko sa nangyari kanina. Rinig ko parin ang baritonong halakhak ni Zarrick, kung paano mas lalong nagpainis 'yon sa akin. Namumuro na talaga siya at kaunti nalang ay bibinggo na siya sa akin. Hindi talaga siya nagkulang sa pang-iinis sa akin. Kung paano gumalaw ang kaniyang labi para ngumisi. Kung paano niya galawin ang ulo niya patagilid para lang titigan ako ng pailalim at kung paano niya banggitin ang pangalan ko, maging ang nakakarinding endearment na 'yon. Hindi naman ako manika, ano! Parang akong nanginginig dahil sa lamig at init, ang hirap ipaliwanag nang ganoong pakiramdam.

"Wala raw si Ma'am Talavera! Yey! Wala tayong quiz!" Doon bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan. Narinig ko ang iba kong mga kaklase na tumili at nagsaya. Lahat sila nagbubunyi dahil sa hindi pagpasok ng teacher namin sa Science kung saan may quiz sana kami ngayon. "Salamat hindi ako nag-review" saka tumingin sa akin si Anton. "Kita mo na. Ang sabi ko naman kasi sa'yo,e. Hindi na kailangan mag-review" tawa pa nito.

Napailing nalang ako. Atleast hindi na ako mahihirapan bukas, kahit na basahin ko nalang ulit ang past lessons namin ay saulo ko na.

"Punta tayong bayan mamaya?" Biglaang tanong ni Bea sa akin. "Nagtext sa akin si Joa, manlilibre raw siya sa shake house. May siomai sila doon at masarap ang sawsawan"

Nag'go' naman si Anton samantalang ako ay napanguso. Hindi kasi ako sure kung makakasama ako sa kanila. Alam kong maraming gagawin sina ate mamaya, magtutupi pa sila ng mga damit na nilabhan nila kahapon.

Mukhang napansin ni Anton at Bea ang reaksyon ko kaya naman agad nila akong tiningnan na may pagbabanta.

"Naku, girl, bawal humindi ngayon. Ikaw, ha! Lagi ka nalang KJ sa mga lakad natin. Gusto ka namin maka-bonding kaya naman sasama ka mamaya!" Anton said.

"Oo nga! Tsaka bawal humindi sa libre. Kapag libre, paniguradong masarap 'yan!" Segunda naman ni Bea.

Umiling ako. "Hindi ako sigurado. Abala sina ate mamaya, gusto kong tumulong sa kanila"

Napapalatak sila pareho. "Punta muna tayo sa inyo, pagpapaalam ka namin. Tsaka bawal humindi,girl. Kami bahala kay ate Harrietta. Minsan lang 'to. Maaga rin naman ang uwian na'tin ngayon dahil sa orientation ng mga grade 12,e"

"Paano 'yon? Paniguradong hindi na ako makakalabas ng mansyon kapag pumunta tayo doon"

"May tito ako doon na hardinero nila, tapos kaibigan ni Tatay yung guard nila doon kaya makakalabas tayo"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now