SEVENTEEN

16.3K 324 7
                                    

ZARRICK ISN'T ENJOYING THEIR GET TOGETHER IN THE ISLAND. Alam niya sa kaniyang sarili na iba ang gusto niyang pagtuunan ng pansin but he literally shoves that away. Hindi makakabuti ang babaeng laman ng kaniyang isipan nitong mga nakaraang araw. Hindi siya sigurado kung hanggang saan niya makakaya ang sobrang pagtitimpi.

That little girl is occupying his mind. Kailan pa ba ito nawala sa kaniyang isipan? He was just playing around like the usual, kaya bakit siya nagkakaganito ngayon. She casted a spell on him. He chose to believe that crap.

"Zarrick, mind if you..." Nakangising iniwagayway ng babae ang lotion sa kaniyang harapan. He totally forgot her name, who is she again? Kilala ito ng kaibigang si Max at ilang beses na rin niya itong nakasama pero hindi siya ang tipo ng taong tatandaan ang pangalan ng isang tao kung wala naman itong dating sa kaniya. He forgot her name kaya kinuha na lamang niya ang lotion sa kamay nito at walang ganang pinahiran ang likuran nito.

She moaned but that didn't arouse him at all. She wanted him, he was aware of that. Hindi ito nagkulang sa pagpapakita ng motibo simula nang makaalis sila sa kanilang tahanan. Sumakay na lamang siya sa agos ng pangyayari. Marahil ay makakatulong din 'yon upang maalis kahit papaano ang kaniyang isipan sa kaniyang manika.

His doll, his beautiful doll. He smiled bitterly at that thought. Hindi siya pwedeng mabihag ng ganoon ng isang paslit. He will make her pay for that. Pero papaano?



HINDI MAGANDA ANG PAKIRAMDAM NI Erriah nang siya ay magising nang Miyerkules. Ayon kasi sa kaniyang ate Lane ay narito na raw ang mga magulang ng magkakapatid. Nakita niya mula sa malayo ang matapobreng mukha ng matandang babae na siyang ina nila Zarrick. Sa una palang ay alam na niyang hindi nito nanaisin ang kaniyang ate para sa anak.

"Ganyan talaga ang mga 'yan. Kapag narito na sila, abala lahat kami kasi kahit kaunting alikabok nagwawala siya. Masyadong perfectionist kaya pati mukha pinaturok lahat" angil ng kaniyang ate Lane na nagmamadaling magbihis. Ikinukwento kasi nito ang mataporbreng ginang. "At alam mo ba, nambabato pa ng kung anong bagay sa mga katulong na kagaya namin kapag nakita niyang may pagkakamali. Kahit tamaan kami wala siyang pakialam. Ang tatay naman nila sir Leandro ay masyadong tahimik, pero kapag 'yon nagsalita na manlalamig ka talaga"

Mas lalo siyang nangamba para sa kaniyang ate. Paano nalang kapag nalaman ng mga ito na may relasyon ang kaniyang ate at ang panganay na anak ng mga ito?

Hindi niya yata kakayanin kung makita niya ang kaniyang nag-iisang pamilya na nahihirapan dahil sa pagmamahal ng maling tao. Mahal niya ang kaniyang ate Harrietta, lubos pa sa kaniyang sarili. Sa kabaitan ng kaniyang kapatid ay alam niyang tatanggapin nito kahit na anong pang-aalipusta huwag lang ang mga taong minamahal nito. She's a selfless woman afterall.

Napabuntong hininga si Lane at napailing. "Natatakot ako para sa mga taong nakatadhana sa magkakapatid. Ang ate mo..." Napabuntong hininga nanaman ito. "Hindi man niya maamin sa atin ay alam kong may namamagitan na sa kanila ni Leandro, mas malalim" tumingin ito sa kaniya at nanahimik sandali. "Huwag kang magpadalos-dalos, Erriah. Bata ka pa, marami ka pang oras para sa ganoong bagay. Huwag kang magmadali para hindi masyadong masakit"

Napaiwas ng tingin si Erriah, napukol sa litrato nila ng kaniyang ate ang kaniyang atensyon at napangiti ng mapait.

Mukhang huli na dahil lugmok na siya. Masyado na siyang lunod para umahon pa.

Nang magtatanghali na ay wala parin ang kaniyang ate. Labis ang kaba ni Erriah. Alam niyang may mangyayaring hindi maganda, ramdam niya 'yon. Lalo na at mabigat ang tensyon sa loob ng mansyon ngayon. Abala ang lahat. Nang tangkain niyang lumabas upang mamasyal sana sa bukid ng mga Saavedra ay hindi siya natuloy sapagkat naroon ang matandang lalaki, nakatingin mula sa malayo. Pinagmamasdan ang malawak na lupain.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now