ONE

29.8K 587 22
                                    

Nang nasa orphanage ako, hindi ko inabala ang sarili kong makipagkwentuhan sa ibang mga bata roon. Isa pa ay hindi naman talaga nila ako malapitab, dala na marahil ng pagkailang sa akin. Hindi ko naman masabi kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo nila sa akin. Dahil ba tahimik ako o dahil may kung anong pader ang nasa paligid ko. Ginawa kong proteksyon para hindi na ako masaktan pa sa sinasabi o ginagawa nila.

Laging bukambibig ng mga lalaking orphan doon ang salitang 'yon noon, ang salitang s*x. Hindi ko nalang pinapansin noon dahil abala ako sa pagdadrama ko sa buhay. Excited pa ako noon nang malaman kong may ate pa ako pero sa tuwing nababawasan kami ay labis akong natatakot. Dahil ang iba ay magkakaroon na ng pamilya samantalang ako ay lagi nalang napag-iiwanan. Pero ang mga sisters parin ang nagpapagaan ng loob ko sa tuwing darating ako sa ganoong punto.

"Alam mo, try mo kayang magbasa ng mga erotic novels para hindi ako ang tinatanong mo ng mga ganyan" inis na sabi sa akin ni Anton ng tanungin ko siya about sa ganoong bagay. Nasa akin parin ang gulat nang makita ko ang nangyayari sa pagitan nila ate Shel at ng lalaking 'yon. Tila isa yong pelikula na pilit na nagpe-play sa utak ko ng paulit-ulit. Mula sa paraan ng paghawak nito sa pwetan ni Ate Shel at sa paggalaw nito sa likuran ng babae.

'Yong intensidad sa mga mata niya. 'Yong mga mata niya na parang ang lalim. Naiinis nanaman tuloy ako. Bakit ba umiinit ang dugo ko sa tuwing naaalala ang pagtatama ng mga mata naming dalawa.

Napapabuntong hininga na lamang ako habang pilit na inaalis ang ala-alang 'yon. Hindi ako nakita ni ate Shel dahil mabilis akong umalis doon, hindi ko lamang alam kung ano na ang nangyari pagkatapos magtagpo ng mga mata namin ng lalaking may malamig na titig subalit alam kong nahuli niya akong nakatingin sa kanila.

"Erriah!"

Gulat akong napalingon sa tumawag sa akin. Naroon pa pala si Anton sa kabilang upuan. Ang dalawang babae naman ay tahimik na nagbabasa ng libro dahil may mga quiz raw ang mga ito.

"Bakit ba kanina ka pa tulala? Pagkatapos mo akong tanungin tungkol sa s*x s*x na ganoon ay nanahimik ka na. Share mo nga,bakla. Napasukan ka na ba kaya ganyan nalang ang kinikilos mo?" Eksaherada ang pagkakasabi nito. Nanlalaki pa ang mata at may halo pang paghampas sa akin.

"Huh?" Bakit ba diretsahan ang bibig nito. Wala manlang preno. Napangiwi tuloy ako sa lumabas sa bibig niya.

"Kanina ka pa tulaley, what happened ba, girl? Hindi mo ba ni-carry mga nasabi ko? Nasa topic na tayo ng human anatomy tapos ay ganiyan parin ang reaksiyon mo sa ganoong bagay" napapaypay pa siya sa kaniyang sarili. "Hindi mo lang alam kung gaano ako pigil sa mga salita ko. May buhok na ako sa kili-kili, may adams apple na rin ako at papatubo na rin ang buhok sa gitna ko, hindi pwedeng wala akong alam sa mga ganoong bagay, ano" aniya nang makita ang pang-aakusa ko sa aking tingin.

Umiling ako at bumaling sa iba. I don't know where I could get myself into with this curiosity about that meticulous topic. Bakit nga ba nawiwindang ako sa salitang 'yon? Dahil ba sa nakita ko nang nakaraan? Dahil ba sa natuklasan ko tungkol kay ate Shel? Yung mga libro na nakita ko na galing kay ate Lane?

"Alam mo kung curious ka parin, try mo i-google 'yan, day! Punta tayo sa computer shop nila tita Alma mamayang uwian" biglang singit ni Bea na tapos na yata sa ginagawa.

"Hindi ko alam. Baka umuwi ako agad, ayaw kong makagalitan ni ate. Dapat ay umuwi ako ng maaga"

Napapalatak ito. "Naku, may curfew. Minsan lang naman,e"

"Hindi talaga pwede. Alam mo naman ang sitwasyon namin sa mansyon. Dapat ay nasa loob na ako ng kwarto namin bago mag-alas singko"

"E, diba 4:30 ang uwian na'tin? Ang layo kaya ng mansyon ng mga Saavedra dito. Maglalakad ka ba?"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONDär berättelser lever. Upptäck nu