THIRTY NINE

12.5K 242 6
                                    

ERRIAH WAS on her phone when Zarrick went inside her room. Nakakunot agad ang noo nito sa kaniya. Hindi yata gusto ang narinig mula sa kaniya. Well, she just said 'I love you' to Kian. Ganoon naman talaga siya noon pa, kahit sa tuwing magpapaalam ito sa telepono. Nasanay lang siya at ngayon ay kailangan niya nang alisin 'yon. Mahal niya si Kian bilang kaibigan, hindi katulad kay Zarrick na sobrang lalim, hindi siya makaahon. Wala naman itong dapat ikatakot pero mukhang nainis niya ang binata.

Ipinaalam kasi nito na darating ang mga ito para sa kanilang concert dito sa Pilipinas, oo, tuloy nga ang concert nila dito. Magaling na din naman ang kanilang manager na si Cheska at ngayon nga raw ay ayaw ng magpahinga. Panay ang pagtanggap ng kung ano anong event para sa kanila.

Kahit na ganoon ay todo parin ang sekyuridad ng mga kasama. Si Mica din ang may pakana doon.

Bago pa man tumawag si Kian sa kaniya ay kausap na niya si Luke, pinaaalam nito sa kaniya na nasa mabuting lagay naman ang kan'yang ina. Laking pasasalamat naman niya 'yon. Hindi niya pa gugustuhin makita nanaman sa ganoong kalagayan ang ina. Mabuti na lamang talaga at umayos na ang pakiramdam nito, buti na lang at tuloy ang alis nila na wala siyang iiwanang masamang sitwasyon. Luke told her to enjoy her time with Zarrick, kailangan din nilang mag-usap sa lahat ng nangyari noon. Magkalinawan at masagot ang mga iba pang tanong ng bawat isa. If Zarrick will just tell her the truth, ganoon din naman siya sa binata.

Hinding hindi na niya sasayangin pa ang pagkakataon nila ngayon kaya naman hindi niya inaasahan ang pagtatapat ni Kian sa kaniya, lalo na at kakaayos lamang nila ni Zarrick. She will always choose him, hindi niya 'yon nagawa noon kaya gagawin niya ngayon. Babawi siya sa lalaki, hindi na siya magkukulang na pagbigyan ito ng pagkakataon.

"I will just wait for you at the parking lot" bakas doon ang lamig. 'Yong Zarrick na nangungulit sa kaniya noon na puno ng lamig ang boses ay nagbalik. God, she did a wrong move. Maling mali.

Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga nang lumabas ito sa kaniyang kwarto. Suot parin ang malamig na ekspresyon. Binalikan niya ang kaniyang telepono at naroon parin ang tawag ni Kian.

"Kian, I'm-"

Nahinto siya nang marinig ang pagbuntong hininga nito. "I'm sorry, Erriah. I promised you before that I will stop when this time comes, but I think I can't stop myself from wanting you. I shouldn't have said it over the phone but I couldn't wait any longer. But, Kianna was right. I can't force you to love me. I am just your friend, you can't love me romantically because Zarrick owns your heart. It's so frustrating whenever you talk about him and now, I feel so hurt..." Huminto ito sandali pagkatapos ay narinig nanaman niya ang buntong hininga nito. "I'll try my best to forget this feeling, sorry for confessing all of a sudden and I really choose to say it right at this moment. But I know, you had an idea about it. It was all too late though. I...I can't wait to see you smile...a smile that could assure me that you're finally whole. That is all I wanted. Until we meet again, Erriah"

Ilang sandali siyang nakatulala sa kaniyang kwarto kung wala lamang kumatok ay hindi siya manunumbalik sa kaniyang katinuhan. Her bestfriend,Kian, just confessed to her. Alam naman niya, 'yon din ang sinabi ni Kianna sa kaniya pero ang hirap parin marinig na nasasaktan ito at siya ang pangunahing dahilan. Kian is a good man, isang taong maaasahan niya sa tuwing lugmok na lugmok siya sa lungkot ng nakaraan. Ngayon na ito naman ang nakakaramdam ng sakit at lungkot ay hindi niya manlang magawang ibigay dito pabalik ang mga sakripisyo nito sa kaniya noon. Siya pa ang dahilan kung bakit ito nasasaktan.

"Ma'am, Erriah. Bumaba na raw po kayo" boses babae 'yon. "Ako po ang kasambahay ni Sir Zarrick sa sarili niyang bahay, pinabababa na po kayo ni Sir. Hinihintay na po kayo sa Van. Naroon na rin po ang driver"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon