EIGHT

20.4K 426 7
                                    

PAGKAPASOK KO PALANG SA KWARTO namin ay sumalubong na ang mga mapanuring mata ni ate Shel. Pailalim kung tingnan niya ako ngayon, ibang-iba sa karaniwang masayang mata niya sa tuwing titingnan ako.

Nakakalat ang mga hindi pa natuping damit sa gilid niya. Tuluyan na akong pumasok at hinubad ang sapatos ko saka yon itinabi.

"A-ate Shel?" Yumuko ako ng bahagya. "Tulungan na kita, ate?"

Umiling siya, nakatitig parin sa akin. "Saan ka galing?"

"S-sa..sa school"

"Bakit ngayon ka lang?"

Napalunok ako. "Nagbasa pa kasi ako ng libro sa library, gusto ko sanang mag-advance study"

"Ganoon ba? Nakita mo si Zarrick?" may kung anong panunuya sa tono nito.

Sigurado akong alam niya ang nangyayari, kaya ganoon na lang ang inaakto niya. "Hindi, hindi ko pa siya nakikita" laking pasasalamat ko dahil hindi ako nautal sa pagsisinungaling.

Tumango siya. May kung ano pa akong napansin nang tila irapan niya ako. Ibang-iba na siya sa ate Shel na nakilala ko noon. Parang mortal na niya akong kaaway kung tratuhin niya.

"Ate Shel.."

"Huwag mo ng ituloy, Erriah. Naiintindihan ko at wala akong magagawa. Gusto man kitang ilayo sa kaniya ay wala akong magawa, hawak niya ako sa leeg. Lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya"

Napahinto ako. Hindi ko inaasahan 'yon. "Ganyan ka ba kamartir, ate Shel?" Hindi ko mapigilang masabi. Nakakabilib din talaga ang pagiging tanga niya sa pag-ibig. "Huwag kang mag-alala. Wala akong gusto sa kaniya. Sa'yo siya at alam ko 'yon. Pinilit kong lumayo, ayoko sa kaniya. Gagawin ko ang lahat para hindi na siya makalapit sa akin. Marunong ako—"

"Talaga?" Natawa siya ng pagak. "Hindi mo siya gusto? Ayaw mo sa kaniya?" Umiling siya na para bang disappointed siya sa sinabi ko. "Iba si Zarrick sa inaakala mo. Ibang-iba. Ayaw mo sa kaniya? Ganyan din ako noon, Erriah. Ayaw ko sa kaniya pero sa tuwing nasa malapit siya, natataranta na ako, pilit kong tinatatak sa utak ko na ayaw ko sa kaniya, na hindi ko dapat siya magustuhan pero tingnan mo ako kung saan ako dinala ng mga pagpipigil ko. Mas lalo lang akong naakit sa kaniy. Iba ang kinikilos mo sa sinasabi mo, Erriah. Mahirap kalabanin ang sarili, dahil kahit anong gawin mo, talo ka, talo ka kahit anong mangyari"

Naumid ang dila ko. Pagkatapos noon ay nawalan ako ng lakas para magsalita, para sabihan siya na hindi niya dapat pagkatiwalaan si Zarrick pero parang isinampal na niya sa akin na dapat ay sarili ko muna ang paalalahanan ko, ibang-iba na kasi itong nararamdaman ko. Ayokong aminin sa sarili ko na tama siya, tama siya sa mga sinabi niya. Na niloloko ko lang ang sarili ko, pero ano ba dapat ang gawin ko? Kundi ang lokohin ang sarili ko.

Umiling ako. "Hindi ako magiging katulad mo" pinal na sabi ko pagkatapos ay sumampa sa kama ko sa itaas, itinalukbong ko sa sarili ko ang kulay puti kong kumot at doon natulala. Ni hindi na ako nakapagbihis pa.

Bumaha nanaman sa isipan ko ang mga sinabi ni Bea. Ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Zarrick at ang mga sinabi ni ate Shel. Gustuhin ko mang tumakas ay wala akong mapupuntahan, sa murang edad ko ay wala pa akong patutunguhan. Paano si ate Harrietta, ang maganda niyang ngiti na nagsasabi sa akin na makakaya namin palagi. Ang mga isinakripisyo niya para sa akin.

Sunod sunod na buga ng hangin ang ginawa ko. Pagkatapos ay ibobola ang kamao ko at ihahampas yon sa bandang dibdib ko.

"Hindi.."bulong ko. "Hindi pwedeng mangyari 'yon"

Nanahimik ako ng ilang minuto. Pinilit kong itulog nalang ang mga iniisip ko pero hindi ko magawa. Kahit na nag-isip ako ng mga sinaryo kung saan nakatayo ako sa entablado at kumakanta. Naroon parin ang mukha ni Zarrick habang nakangisi sa akin, patunay na wala akong magagawa upang alisin siya sa sistema ko.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now