TWENTY SIX

16.1K 337 7
                                    

IT WAS ONE OF ZARRICK'S PAD. Napaisip tuloy si Erriah, if it isn't his f*ck pad. Nakita niya ang malaking portrait ni Zarrick, suot ang business suit nito. Naroon parin ang seryosong awra nito, na hindi yata nabura hanggang ngayon. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay, bumalik nanaman ang kaniyang mata sa paglalakbay sa kabuuan ng lalaki. He's more manly now. Ang sarap nitong titigan magdamagan.

"What? Talk now" masungit na aniya dito kahit na labis ang tambol ng puso niya. Gustong kumawala.

She wasn't ready for this, for their early meet up. Hindi manlang siya nakapagready ng mga isusumbat dito. Ang lawak lawak ng Pilipinas pero heto siya ngayon at nasa harapan ng lalaki. Kaunti na lang at baka mabuwal siya sa labis na kaba.

"You're finally here" it seems like it was unbelievable for him. Hindi niya napansin ang pangungulila na dumaan sa mga mata nito, mabilis lamang kasi 'yon.

"Obviously. Touch me baka sakaling maniwala ka talaga" she sarcastically said, bumibilib siya sa kaniyang sarili kahit papaano. Nakukuha niya itong sagutin sa ganoong paraan.

"You want it sensual?"

Napakurap-kurap siya dito. Hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig nito. Hindi pa siya nakakarecover sa naturan nito ay bigla na lamang itong lumapit sa kaniya at niyakap siya. He caged her with his arms tightly. Tila mauubusan siya lalo ng hininga. Gusto niya man na suklian ang yakap nito ay nagsusumigaw naman ang isip niya na huwag, labis na tumututol. Sa huli ay nanatili ang kaniyang kamay sa magkabilang gilid niya hanggang sa kumalas ito, hindi niya nga alam kung gaano nagtagal ang yakap nito.

"I missed you"

Hindi siya kumibo. Alam niyang nakatitig ito sa kaniya pero siya ay nanatili lamang na nakatingin sa suot nitong tie. Gwapong gwapo nanaman siya sa lalaki, hindi niya na yata napansin kung nasaang sitwasyon siya ngayon. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito pagkatapos ay bahagya itong lumayo sa kaniya. Gustuhin niya man itong hilain pabalik sa kaniya ay hindi niya magawa. Kailangan niyang magpigil, umasta na wala na siyang nararamdaman para rito.

"I thought we're going to talk? If you're just gonna tell lies and how you miss me,then take me back to the airport, baka sakaling lumipad pa ako pabalik sa SoKor"

Hindi ito nagsalita, he stayed there silently while looking at her intently. Napapalatak siya. Pinanatili ang composure na wala na ito sa kaniya, but f*ck, by just his mere presence nagugulo na ang sistema niya.

"What do you want to eat?" Hindi nagtagal ay nagsalita na ito.

"Look Zarrick, I came with you all along here because I thought we're gonna talk about something important—" she faced him bravely, "Now, talk. I don't have much time for you"

Bumalatay ang sakit sa mga mata nito pero ikinakunot lamang ng kaniyang noo ang bagay na 'yon, niwawaksi na totoo 'yon. "Sabayan mo lang akong kumain"

"Zarrick—"

"Please"

Wala siyang nagawa. Nadala nanaman yata siya ng pagiging malambot nito sa kaniya. Kung totoo bang ganoon ang binata o nagpepretend nanaman ito.

Bigla niyang naalala ang pamilya nito, ang sarili nitong pamilya, nang nakaupo na sila sa dining area nito. "Paano nga pala si ate Shel? And your baby? Four years old na siya, right?"

Hindi ito kumibo sa bagay na 'yon, bagkus ay iniba ang kanilang paksa. "Ilang buwan ka dito?"

"I will stay here for one week, baka tatlong araw lang. Hindi ko pa alam"

Kumunot naman ang noo nito pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa tinidor. Tila nakukuryente siyang binawi 'yon. Ang bilis naman yata ng isang ito, Zarrick will always remains as Zarrick.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now