TWENTY ONE

17.8K 327 24
                                    

SUMAMPA SI KUPA SA HIGAAN upang dilaan lang ang pisngi ko. Nagising tuloy ako dahil sa kaniyang ginagawa. Nakita ko ang bakanteng pwesto sa gilid ko, wala si Zarrick. Hinila ko si Kupa para ikandong sa akin nang maupo ako.

"Zarrick?" Tawag ko sa lalaki, ang akala ko ay nasa banyo lamang siya pero walang sumagot.

Napagpasyahan ko na lamang na tumayo. Ibinaba ko si Kupa na sumunod naman sa akin palabas ng kwarto. Nakita ko si Zarrick na nasa kusina at abala sa pagluluto. Yumakap ako sa kaniyang likuran. Hindi ako makadungaw sa kaniyang niluluto sapagkat hindi ko abot 'yon. Masyado siyang matangkad para sa akin.

"Almost done" aniya.

Umupo ako at inabala na lamang ang sarili sa panonood sa kaniya. Lumingon siya sandali sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo bago bumalik sa pagluluto.

"I will be going somewhere after this. Ihahatid muna kita sa penthouse, okay?"

Tumango na lamang ako.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Zarrick nang naglalambing na humaplos si Kupa sa aking binti. Ang cute niyang mga mata na singkit ay nangungusap sa akin. Meron siyang nakakatakot na presensya katulad ng amo niya pero hindi niya ako nasisindak, marahil ay nung una lang. Napakasweet kasi nito sa akin ngayon at lalo na kay Zarrick.

"They tend to be stubborn and are not overly fond of strangers, Erriah. But look at him now, he's so fond of you. He even prefers you now more than me, his owner. He doesn't need experienced trainer just to interact with other animals or people when I'm around. He trusts me"

Hinaplos ko ang kaniyang balahibo. Natawa ako nang mapansin ang laway nito kaya naman wala akong pakialam kahit na malagyan ang aking kamay nang punasan ko 'yon. Ang cute cute lang kasi ni Kupa kaya hindi ko maiwasan ang sarili na mangiti lagi sa tuwing nakikita ko siya, lalo na ang mga mata niya. Para siyang lobo, isang lobong hindi ka matatakot lapitan dahil sa cute niyang mga mata.

"The Akita Inu is a large and powerful dog breed with a noble and intimidating presence. They were originally used for guarding royalty and nobility in feudal Japan. This kind of dog also tracked and hunted wild boar, black bear, and sometimes deer"

Napatingin ako kay Kupa. "Oh, you're so brave pala, ha?"

"Kaden bought his mother in Japan, in a poor young man. First, he was hesitant to buy it but when that boy plead, he gave in. He even helped that boy for studying abroad through Celestine's foundation" tumayo siya at lumapit sa akin. Humalik siya sa aking noo bago lumuhod upang haplusin ang ulo ni Kupa. "Dogs of this breed are faithful companions that will be attached to the right owner for life and shower them with adoration and love. People are up for the challenge and consider adopting an Akita, you will have a lifelong friend that won’t let you down. That is why I have him" ngumiti siya habang nakatingin kay Kupa. "He's my faithful buddy"

Napangiti ako sa kaniya. "Alam ko" ako naman ngayon ang humalik sa kaniyang noo. "Pero nandito na ako ngayon, Zarrick. Nandito rin ako kasama si Kupa. At baby natin si Kupa, diba, Kupa?" Hinaplos ko ang baba ng aso na siyang ikinagusto naman nito.

Nakatitig sa akin si Zarrick kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

"Yeah, I have you" napangiti siya, sa tuwing ngumingiti siya ay nalalaglag nalang lagi ang panloob ko. "Always stay with me"

Tumango ako sa kaniya at sinabing magtiwala siya sa akin.






HINDI SINABI NI ZARRICK KUNG SAAN SIYA PUPUNTA. Ang sabi ko sa kaniya ay hihintayin ko na lamang siya sa kaniyang unit at aalagaan ko nalang si Kupa pero hindi niya ako pinahintulutan. May kumuha kay Kupa bago pa man kami makarating sa penthouse. Ang sabi ni Zarrick ay kaibigan niya ito at ito ang personal trainer ni Kupa. Dog lover ito kaya naman maamo din rito ang aso. Liban sa kanilang tatlo ay wala na raw nakakalapit kay Kupa, maging ang kakambal nito na si Zarria.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum