TWENTY NINE

15.9K 277 5
                                    

HINDI MAPUKNAT ang pagkakangiti ni Zarrick habang hawak ang kamay ni Erriah. He must be thinking that she finally lost all her self control. Tuluyang nabuwag ang kaniyang pader na itinayo niya sa nagdaang mga taon.

Pagkatapos nilang bumili ng gown niya at ng regalo ay kumain muna sila sa isang fine dining restaurant at ngayon nga ay papunta na sila sa pad nito, which is binigay nito ang gusto niya. Na doon na muna siya manatili kasama ito. Lingid sa kaalaman nito ang kaniyang binabalak. She was expecting a good outcome though. Mula nang sabihin niya na gusto niyang manatili sa pad nito ay doon na nag-umpisa ang plano niya.

Pagkapasok nila sa pad nito ay hinarap siya ni Zarrick. Tumigas nanaman ang kaniyang tiyan dahil sa kaba. Yeah, she ready herself for this but looking at Zarrick now, full of hope and still pleading. Nanghihina nanaman siya. Hindi nanaman niya hawak ang isip at katawan niya.

"Where are you going to sleep?" May pag-asa na umusbong sa mga mata nito.

She couldn't help herself but to laugh at him ."Ano ka ba, hindi tayo pwedeng magtabi. Sa dati akong kwarto. Huwag masyadong mabilis, sir"

Bumuka ng kaunti ang labi nito. "I...yeah, of course" he nodded continuously. Mas lalo tuloy siyang natawa.

"Come on, gusto kong i-try kasama ka 'yong binili kong samgyupsal"

Tumitig ito sandali sa kaniya. Hindi yata makapaniwala sa biglaang pagbabago ng pakikitungo niya dito. Bumabalik ang pagiging hyper niya mula nang makasama niya ang binata. No wonder maging ang kaniyang feelings para dito ay nagising muli. Hindi talaga nag-iba ang nararamdaman niya kay Zarrick, natabunan lamang 'yon ng nagdaang panahon. Natulog sa kaniyang dibdib at ngayon ay nagising muli.

"Zarrick? Come on?"

"Are we, are we okay?"

Ngumisi siya dito. "Do you prefer me inclement with you?" She rolled her eyes afterwards. "Come on, hindi na ako diet. You'll come with me naman sa gym, right?"

Unti-unting lumitaw ang ngiti sa mga labi nito pagkatapos ay hinawakan nanaman ang mga kamay niya. 'That, that's what I want. I want to see you wrapped around my fingers.'

Ngumiti siya dito, "Prepare your kitchen I'll just change my clothes and bring these to my room" taas niya sa mga pinamili nila.

Tumango na lamang ito.

Pagkapasok niya sa kaniyang kwarto ay namuo nanaman ang kaniyang mga luha. Yeah, he might be playing again. Papauto nanaman ba siya?

She will make sure that he isn't the only one enjoying the whatever game he is playing this time.

Hinanda nito ang malaking litrato niya sa kwarto nito at alam nitong makikita niya 'yon. Aasa nanaman siya dahil sa mga pinapakita nito, katulad lamang ng dati.

"Erriah? Hindi ka pa ba tapos?"

"No, lalabas din ako pagkatapos"

Pagkatapos magbihis ay nagtungo na rin siya sa dining area nito. Naroon ito at inaayos ang mga binili nila kanina. Mukhang nainit na din nito ang tinake-out nilang pagkain.

Naghahain ito nang umupo na siya at nagsimula nang galawin ang mga pagkain doon. Nang sumunod si Zarrick sa kaniya pagkatapos nitong itabi ang ginamit sa pag-iinit ng pagkain ay hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. Dapat na talaga siyang masanay sa pagdampi ng kanilang mga balat.

Tumitig sa kaniya ang binata ng matagal kaya umarko ang kaniyang kilay. "Don't look at me like that"

"Why? I dreamt of looking at you like this way in the past five years. 'Yong hawak ko ang kamay mo at kontento na akong pagmasdan ka"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONحيث تعيش القصص. اكتشف الآن