SEVEN

20.9K 429 16
                                    

PATULOY PARIN ANG PANENERMON sa akin ni Bea. Si Anton din ay nasabihan nito dahil nalaman nito na may alam si Anton sa nangyayari sa amin ni Zarrick. Lagi niya akong pinaalalahanan kung anong edad ko at kung anong klase ng lalaki si Zarrick.

Napanguso ako ng irapan niya ako pagkatapos niyang kunin ang notebook niya at ballpen na may hello Kitty sa dulo.

Hindi talaga siya tumitigil sa kakasalita, binibigyan ako ng mga dapat at hindi ko dapat gawin.

"You should avoid him" sabi ni Joabbelle.

"Yon na nga ang ginagawa ko"

"Try harder" singit ni Anton.

"Kahit gaano ko naman siya iwasan ay hindi ako sigurado kung hindi parin siya makakalapit. Knowing Zarrick. Kilala niyo dapat siya, he has his ways. Isa pa ay nakatira ako sa kanila. Nasa mansyon nila nagtatrabaho ang ate ko. Paano 'yon,aber?"

Umikot ang mga mata ni Bea. "Easy, Erriah. Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Shove him away. Kung kailangan mong sabihan ng shoo, edi gawin mo. Sabihan mo ng masasakit na salita"

"P-paano? Baka ako ang makaramdam ng masasakit na salita. Isa pa ay amo parin siya ni ate Harrietta. Natatakot akong madamay ang ate ko, lalo na at naaattach na siya sa trabaho niya ngayon. Baka kay Zarrick pa magkaproblema"

"Tsk. Yan ang mahirap,e. Isa pa ay narinig ko siya kaninang tinawag ka nang papasok na tayo"

Napayuko ako. "Narinig ko rin. Pero pinigilan ko ang sarili ko na lumingon"

Napaingos si Joabbelle. "Ano ba siya aso? Ang creepy na niya,ah. Sinusundan ka pa talaga niya"

"Hindi ko alam. Baka wala lang siyang babaeng mapaglaruan ngayon" napagulo ako sa buhok at napasigaw. "Kainis! Bakit pa kasi ako?!"

"Easy" Bea rolled her eyes again. "Ganda mo raw kasi! Angel nga diba?! Mukha ka raw kasing anghel...na madaling mauto!"

"Ang harsh nun, mame!" Anton pulled her hair.

Hindi ko magawang matawa ng nagtawanan sila. Nang dumating ang sir namin ay saka lamang sila nanahimik. Ako naman ay lumilipad ang utak sa nangyari kagabi. Yung pakiramdam na mahalikan ni Zarrick. Ganito rin ba ang pakiramdam ni ate Shel sa tuwing may naghahalikan sila? Sa tuwing kasama niya si Zarrick?

Tumingin ako sa blangkong notebook ko, inikot ko pa ang hawak kong ballpen sa mga daliri ko. Nag-umpisa na si sir sa pagdidiscuss ng panibago naming lesson. Wala akong maintindihan dahil lumilipad parin ang isipan ko sa nangyari kagabi hanggang sa nakuha ng atensyon ko ang mga sinabi ni sir.

Kinalabit ako ni Anton. "Hey, curious girl. About male reproductive tayo, baka gusto mong makinig, diba? Pampadagdag sa kaalaman mo about kay Zarrick—este sa ganoong bagay"

Inirapan ko nalang siya at nakinig nalang. Pinilit na alisin ang imaheng naglalaro sa aking isipan.

"The t*stes, or t*sticles, are two ball-shaped organs that produce the male s*x cells, called sperm cells, or male gametes. A thin sac of skin, called the scrotum, holds the t*stes.."

Sabay sabay kaming naubong apat nang marinig ang sinabi ng guro namin. Idagdag pa ang larawan na naroon sa pisara at itinuturo nito.

"Naku naman. Kung dati nag-eenjoy akong pag-aralan yan ngayon ay parang ilag na ako" Joabbelle said.

Si Anton naman ay tutok na tutok ang mata sa picture na nasa white board namin. Picture yun ng male reproductive organs. "Look at the picture, guys. Di niyo pansin? Mas malaki betlog kesa sa pototoy?"

Naubo nanaman kami sa sinabi ni Anton. Pabulong lang kami nagsasalita pero alam kong narinig din ng mga iba naming kaklase kaya naman nagtawanan sila.

"Anong nakakatawa? May dapat ba kayong tawanan sa pinag-aaralan natin?!" Masungit na sigaw ng guro namin.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now