FIFTEEN

17.4K 374 17
                                    

HULING PAG-UUSAP namin ni Zarrick ay nang nasa pribadong yate niya kami. Oo, mula noon ay hindi na niya ako kinibo o kayang sulyapan manlang. Sa mga pagkakataon na ganito, pumapasok sa isipan ko ang maraming dahilan kung bakit ganito nanaman siya umakto.

Zarrick is Zarrick, nakilala ko siya sa ganoon niyang personalidad at siguro ay nakalimutan ko kung sino talaga siya. Siya yung tipo ng lalaki na hindi kayang magpapasok ng kahit sino sa buhay niya. Siguro ay masyado lang akong umasa. Ang dami kasing rason na pwede kong pag-isipan na baka, baka meron talagang kami.  Kahit na walang kasiguraduhan na pwede akong manalo sa kaniya, sumubok parin ako. Ganoon ako labis na umaasa na baka pwede naman.

Ngunit akala ko lang marahil yon. Hindi ako kayang bigyan ng pagkakataon ni Zarrick na manalo. Ni ayaw niya akong pumasok sa puso niya. Ayaw niyang may taong babago sa pananaw niya.

"Ate, gusto ko sanang pumunta ng palengke. Tutal ay wala naman kaming pasok ngayon, ang sabi ni Bea ay gawin na lang namin ang group project namin sa parke sa may bayan, makakabili na rin kami doon ng gagamitin namin para sa project na yon" paalam ko kay ate Harrietta. Papalabas na siya upang maglinis.

"Sige, basta ay mag iingat ka at huwag kang sumama sa hindi mo kilala ha. Huwag ka ding lalayo kina Bea at siguraduhin mong ihahatid ka nila dito kapag uuwi ka na"

Tumango ako sa kaniya. Nang makalabas si ate ay dagli na akong nagbihis upang makaalis na. Hindi ko nakikita si Ate Shel. Ang sabi naman ni ate Lane ay maaga itong umalis ng mansyon at may bibisitahin lang raw na kakilala.

Kinuha ko ang maliit na bag na bigay ni ate at inilagay doon ang kaunting pera ko. Kumuha na din ako ng payong dahil mainit na sa labas.

Sa may waiting shed sa labas na ng parte ng lupain ng mga Saavedra maghihintay sina Bea at Joabbelle, samantalang si Anton naman ay nasa may palengke na raw at nauna na dahil sumabay na ito sa tiyo nitong namamasada.

Sa paglalakad ko papunta sa waiting shed ay napalinga ako sa may parte ng maisan. Naroon ang mga abalang manggagawa at ang masungit na tagapamahala ng mga Saavedra doon. Isang bulto ng lalaki ang natanaw ko sa initan. Napahinto ako sa paghakbang nang matantong sa akin nakapukaw ang tingin ng ginoo.

Si Zarrick yon, mukha pa siyang hot keysa sa sinag ng araw. Bakit naroon siya at nagbibilad sa araw? Wala ba yung mga kalalakihan na handa siyang payungan?

Napakurap ako nang nagsimula siyang humakbang pero nang makita akong napaatras ay tumigil siya, hindi muna gumalaw hanggang siya mismo ang tuluyang tumalikod at nagpunta sa di kalayuan.

Napabuntong hininga ako. Kung gaano kami kabilis magbati ay ganoon din kabilis magbago ang pakikitungo niya sa akin.

Mayroon siyang awra na matatakot lang lapitan siya pero hindi ko naman inurungan yon. He has this mood swings na hindi ko na ngayon maintindihan. Para siyang whether na pabago bago, minsan malamig, minsan mainit. Ang mura kong isipan na dapat ay pag aaral ang laman ay siya lahat ang umuukopa.

"Hali na kayo" tuloy tuloy lang ang lakad ko.

Agad naman na sumunod ang dalawa na busy sa kani-kanilang hawak na cellphone.

"Nakita ko si ate Shel kanina sa may bayan. Ang sungit nga" napukaw ni Bea ang aking atensyon ng banggitin niya ang pangalan ni ate Shel.

"Sa bayan?"

"Oo, galing yata siya ng pharmacy, babatiin ko sana siya pero mukhang badmood ang lola niyo. May kung sinong lalaking nakasunod sa kaniya, pero hindi ko namukhaan"

Nangunot ang noo ko. "Lalaki?" Si Zarrick kaya yon?

"Oo. Hindi ko namukhaan, eh. Hindi ko kasi nakita ang mukha pero familiar ang built"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now