THIRTY FIVE

12.8K 236 4
                                    

"WHO THE F*CK ARE YOU?!" Tumiim ang mga mata ni Erriah sa babae. Nagpupuyos siya sa galit.

Sino ang hindi magagalit when she saw this girl at Zarrick's pad.

This is Zarrick's pad. She was too sure that she didn't enter a wrong suit. Hindi siya nagkamali ng pasok sa pad nito kaya ganoon nalang ang labis na pagkagulat niya nang madatnan ang babae doon. And what the hell was she wearing? Yeah, she looks so fcking hot on that lingerie and that red tie on her neck. Saang party ba ito naligaw?! Zarrick is a perfect man for being a dominant, ganoon na ba ang hilig nito ngayon? Was she his submissive? She really suits being a sub!

So much insecurities, that was what she felt while eyeing the girl. Masyado niyang binusog ang sarili sa nakaraan na limang taon na maganda siya at may sarili siyang ganda na wala sa iba pero habang nakatingin sa babae, thinking about the possibilities that she might be his girl, fck, naiinsecure talaga siya!

"Guiniver?"

That was the answer she needs to feel her foreboding. As Erriah turned her head to look at Zarrick, she throws her head back laughing sarcastically and wants to kick him hard. Ito pala ang babae na kausap nito nang nakaraan, ang akala niya ba ay wala dapat siyang ikaselos sa isang ito?

"That's her?"

Bumakas ang pangamba sa mukha ni Zarrick pagkatapos marinig ang kaniyang tanong. Yeah, that's her. Siya na mismo ang sumagot sa kaniyang katanungan. She thought she was just his secretary as what he told her. What was she doing there then, wearing nothing but that scandalous lingerie?!

Pasimple niyang hinarang ang katawan niya sa tingin ni Zarrick sa babae. Sinamaan niya ito ng tingin nang makitang sinubukan nitong sulyapan ang babae. She then looked at the girl, "What the hell are you still doing there?! Fcking get dress! Sa akin lang dapat tumingin ang gagong lalaking 'to!"

Nasangga pa nito ang dulo ng counter at nagmamadaling pumasok sa isang kwarto doon. Napasimangot siya nang bumalik ang kaniyang tingin kay Zarrick na ngayon ay nakangisi na sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang reaksyon na nakuha niya kanina dito. Anong aasahan niya sa isang Zarrick? Magtatakip ito ng mata para lang sabihing sa kaniya lang ito nakatingin? Ha! Neknek nito.

"Angel, sa'yo lang ako lagi nakatingin"

"Ulol mo!" Inis niya paring sigaw dito. Hindi mawaglit-waglit ang imahe ng babae sa kaniyang isipan.

Zarrick chuckled and tried to hold her hand she quickly shoved it away from him. Itinago niya ang kaniyang kamay sa likuran niya, ang isa ay pumameywang.

"Calm down, doll" malambing na ang boses nito pero hindi 'yon nakatulong.

"Calm down? Sino ang magiging kalmado pagkatapos makakita ng ganoon? This is your fcking pad, Zarrick. Hindi ko nakakalimutan 'yon. Now tell me that she's just really your secretary!" Yupos ng damdamin niya ang tanging pinapairal niya ngayon. Selos at pagkadismaya ang lalong nagpainit sa kaniyang galit. "Sabi mo sa akin secretary mo lang siya then what was she doing here wearing that?! Was she going to surprise you and I just ruined your supposedly fck night?"

"God,Erriah!" He was the one who was throwing his head back now, laughing with full of amazement.

Mas lalo tuloy siyang nainis. Ang dim na kulay ng kusina at ang scented candle na nasa palibot ng pad nito ay hindi nakatulong sa kaniya, mas lalo pang nagbigay ang mga 'yon ng galit sa kaniya. How sweet, talagang effort na effort ang babae sa surprise nito sa lalaki. Mabuti na lamang at sinira niya. Marahil ay inis na inis na ngayon si Zarrick sa kaniya dahil sa pagkakasira ng magandang gabi para dito.

Maging ang pagtawa nito ay gusto niyang pahintuin at sapakan ng maruming damit ang bibig nito. God, nagseselos na nga siya pagkatapos ay tinatawanan pa siya nito.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon