ELEVEN

19.1K 358 23
                                    

"KAKAIN na"

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayupyop nito sa lamesa. Kita ko kung paano umismid si Ate Shel sa akin. Tiningnan niya ako na para bang tagumpay na tagumpay siya.

"Mamaya na ako kakain, ate Shel" tamad na tamad na tumayo ako at lumipat sa kama. Humiga ako at pumikit.

"Para ano? Para abutan ka nanaman ni Zarrick doon na mag-isa. Talaga bang nagpapapansin ka sa kaniya? Alam mo, Erriah, naaawa ako sa'yo. Dapat alam mo kung saan ka lulugar"

Nabigla ako sa mga sinabi ni ate Shel. Sa kaniya pa talaga manggagaling ang mga 'yon. "Alam ko, ate Shel. Alam na alam ko, e ikaw? Alam mo ba kung saan ka dapat lumugar?" Tumaas ang kilay ko, ganoon din ang sa kaniya.

"Mag.." napahinto siya at kita ko kung paano kumuyom ang mga kamao niya. "Kung ako sa'yo titigil na ako sa kahibangan ko, may utak ka, Erriah. Napakabata mo pa, ilang taon ka lang nga ba? Disisais? Anong alam mo sa pag-ibig?"

Natameme ako. Hindi ko na magawang magsalita pa.

"At least ako may panghahawakan na ngayon" anito na nakangisi.

Kumunot ang noo ko. Pilit na binabasa ang nasa isip ni Ate Shel pero wala akong makita. Tagumpay, yun lamang ang mabasa ko sa kaniya.

"Mahal ka ba niya?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "Mahal? Hindi kayang magmahal ni Zarrick, Erriah. Bato ang puso n'on kaya kung ako sa'yo tumigil kana sa ilusyon mo. Wais lang ang makakatalo sa lalaking 'yon. Wala siyang kakayahang magmahal"

Ibang iba na talaga siya sa babaeng nakilala ko noon. Ang babaeng mahinhin kung ako'y ngitian. Ngayon ay tinuturing na niya akong matalik na kalaban, kalaban sa puso ni Zarrick.

"Kumain ka na, huwag kang paimportante" saka na siya lumabas ng silid namin.

Napaluha ako. Gusto ko ng umalis dito. Malapit na pa naman ang pageant at ngayon pa ako nagkakaganito.

"Erriah, ang sabi sa akin ni Shel ay ayaw mong kumain, nag-aalala kami sa'yo. Halika na, kain na tayo" hindi ko napansin si ate Harrietta na pumasok sa aming silid. Dala niya ang malamyos niyang tinig na nagpagaan sa aking kalooban kahit kaunti. "May problema ka ba? Ilang araw ka ng ganyan"

Umiling ako. "Wala ate. Tayo na, kakain na po ako" pinilit kong ngumiti kahit pilit lang.

Pagkarating namin sa kusina ay kaniya kaniyang pwesto na kami. Katabi ko si ate Harrietta samantalang nasa kanan ko naman si ate Shel na may matamis na ngiti na ngayon. Nagkukubli doon ang kakaibang ngisi.

"Damihan mo ang kain mo,Erriah, kakailanganin mo yan" anito. Tila hindi parin matapos-tapos sa panunukso sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"LADIES AND GENTLEMEN, please welcome our candidates"

Hawak ko ang kulay pula kong gown na hindi manlang tinakpan ang likuran ko. Si ate Celestine ang nag-ayos sa akin, pati na ang tatlo na sina Sandra. They are all there to support me...pero ang inaasahan kong tao ay wala. Wala si Zarrick ngayong araw ng pageant.

Dumating ang oras na ia-announce na kung sino ang nanalo at dahil wala sa pageant ang atensyon ko ay hindi ako ang nanalong Miss Villa Larra, si Natasia. First runner up lang ang nakuha ko.

Nandoon naman sina ate Celestine para icomfort ako pero wala talaga. Parang may kulang at alam ko kung ano yun, kung sino yun.

"Don't worry, he is proud of you. And, that winner doesn't even deserve the crown, ang panget kaya niya lumakad! Ew" ani Sandra habang nasa mata ang pagkadisgusto na nakatingin sa winner.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now