THIRTY THREE

13.8K 265 13
                                    

PAGKATAPOS MAGBIGAY NG isang performance si Erriah kasama sina Darria, Nicole and Varra ay nagtungo na siya sa isang table kasama si Zarrick at Luke nang bigla siyang yakapin ng dalawang makukulit na bata. Dahil na rin siguro naging abala siya kanina kay Zarrick ay nakalimutan na niya ang dalawang bulinggit niyang pamangkin.

Dion climbed up to sat on her lap and hugged her tightly. Sunod sunod na halik pa ang ginawa nito sa kaniyang mukha habang sinabi kung gaano siya namiss nito. Kibit na ang pagkakangiti niya nang mapasulyap siya kay Zarrick na nasa kaniyang tabi.

Kunot na kunot ang noo nito habang nakatitig sa kambal. Si Lion naman ay binuhat ni Luke at hinila si Dion para umalis doon, alam na alam nito ang ekspresyon ni Zarrick. Mabuti lamang at ginawa 'yon ng lalaki. Nagpupumilit pa nga si Dion na manatili sa kaniyang tabi.

"I'm sorry for hiding it"

"Kuya needs to know about this. He has all the right to know about it, Erriah"

Sabay pa silang nagsalita kaya napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Nakatuon ang kaniyang mga mata kay Dion na nagpupumilit na pumunta sa kaniya but Luke diverted their attentions by giving them toys, dala talaga nito ang mga 'yon para sa dalawa.

Si Zarrick ang muling nagsalita. Sa totoo ay wala naman talaga siyang karapatang sabihin 'yon kay Zarrick dahil nasa ate Harrietta niya parin ang desisyon. She just wanted to make her safe. "I have to tell it to Kuya"

Erriah sighed and faced Zarrick who was looking at the twin. "Zarrick, huwag na tayong makialam sa kanila"

"But Kuya deserves to know!" Napasigaw na ito kaya nag-aalalang napalibot ang tingin niya sa mga tao. Ang grupo nila Darria na nasa malapit lang nilang table ay napalingon din sa kanila.

Nag-ipon siya ng lakas at bumuntong hininga. Hinila niya patayo si Zarrick na hinayaan naman siya. Dinala niya ito sa parking lot.

"Where's your car?"

Tinuro naman nito ang itim na BMW M2 Competition. Binuksan nito ang sasakyan at nauna na itong pumasok. He was really upset he didn't even open the door for her. Napasimangot siya habang sumasakay sa front seat ng sasakyan nito.

Nang pareho na silang nakasakay ay si Zarrick na agad ang nagsalita. Bakas parin ang inis sa mukha nito. Kasalanan niya ba? Kung nasa kaniya lang ang desisyon ay, well, hindi niya rin naman sasabihin dahil alam niya kung paano nasaktan ang kaniyang ate sa nakatatandang kapatid ni Zarrick.

"How could you and your sister do that? Kuya deserves—"

"Your brother didn't want—"

"Erriah, anak niya parin—"

"Pwede ba! Patapusin na muna natin magsalita ang isa't isa!"

Natahimik ang lalaki.

She sighed and gave her sister's side, the reason why she chose to hide it from Saavedra/s.

Nasa byahe na sila papunta sa pad nito, hindi parin nagsasalita ang lalaki. Zarrick told her about what happened to Leandro after they left. Hindi siya makapaniwala, ayaw niyang maniwala. Magkapatid nga naman ang mga ito. Magkadugo kaya pareho ang likaw ng bituka at ginagawa.

She wanted to shake her head, disappointed.

Exactly one o'clock in the morning when they reached his pad. Siguro ay okay na sila, she just wanted to go with the flow. Problemahin ang problema kapag dumating na talaga. She decided to just enjoy this moment, being with Zarrick.

Erriah was shocked with his sudden move, he pulled her and caged her to his arms. He even putted his face on the nook of her neck and smelled it. Sinamyo nito ang leeg niya na parang gusto nitong ubusin ang kaniyang amoy.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now