FOURTEEN

18.1K 327 22
                                    

HINDI NAKATIIS SI ERRIAH sa mainit at crowded na lugar. Hinila na lang kasi siya basta basta ni Anton sa kanilang gymnasium, mayroon raw kasing magpe-perform na band sa kanila. Kasama raw roon ang crush nanaman nito, sina Clint at Vaughn pero sa pagkakataon raw na ito ay kasama na ng mga ito ang drummer na si Wayne at ang kapatid nito na sasayaw naman, si Francis.

Sa kasamaang palad ay hindi kasama ang main vocalist ng banda na si Christian.

Nagsisimula na ang pagtugtog ng mga ito nang dumating sina Bea at Joabbelle. "Bumili muna kami ng pagkain" inabot sa akin ni Bea ang dalawang piraso ng mansanas, natuwa naman ako dahil doon. "Alam kong gusto mo iyan kaya naman nang makakita ako sa canteen ay binilhan na kita. Libre lang yan"

"Thanks"

Nang magsimula ang ikalawang kanta ng mga ito ay lalong nagtilian ang mga estudyante until their drummer Wayne stopped playing and looked at the crowd, particular in our place.

Napalingon ako sa likuran namin, maging ang mga kaibigan ko, ang magandang babae na nasa likuran namin ang tinitignan nito?

Tumingin ang mga kamyembro nito sa kaniya hanggang sa sinundan ng mga ito ang tinitignan ng binata.

"Sinong tinitingnan ng mahal ko?" Anton asked. Palinga-linga pa sa tabi namin. "Ako ba? Naakit na ba siya sa alindog ko?"

Umingos si Bea. "Gaga, hindi siya sa'yo nakatingin"

Pagsingit naman ni Joabelle "Kay Erriah siya nakatingin" pinal na anito. Nagbigay ng rason kay Anton para matawa ng malakas pero natigil ng makita si Wayne na papalakad papunta sa pwesto namin. Nasa tabi kami ng malaking pintuan ng gymnasium kaya naman hindi ko alam kung lalabas ba ito o talaga ngang—nang pumasok sa akin ang totoo, sa akin nga siya papunta.

"It's you" he held my chin and examined my face. "It's really you!" Tuwang tuwa na sabi nito.

Napanganga ako. "Ah—eh" hindi alam kung ano bang dapat sabihin, napangiwi na lamang ako.

"Teka baby—" singit ng baklitang kaibigan ko. "Bakit ba hinahawakan mo ang feslak niyan, mas maganda ang clear skin kong mukha"

"Tigyawatin ka Anton" napasapo sa noo si Bea at napailing.

Aalisin ko na sana ang kamay niya sa aking baba nang may malaking kamay ang umagaw noon, marahas na hinila nito ang kamay ng lalaking nasa harapan ko.

Hinarap ko ang lalaking may gawa noon at nagulat ako nang makita ang kaniyang seryosong mukha. Madilim ang mukha ni Zarrick, hindi sa akin nakatoon ang mapanganib na mata nito kung hindi sa drummer ng banda na si Wayne.

"What are you doing?" Mapanganib ang bawat salitang lumabas sa bibig nito, dama ng kahit na sinong makakarinig na hindi dapat ito kalabanin. Nang mga oras na yon alam kong galit nga siya. Ito yong oras na dapat hindi siya mas lalong iniinis.

Lahat ng naroon ay nakatingin sa amin, nag aabang sa susunod na mangyayari. Walang nais magsalita, walang nais na maparusahan.

"She is the girl we are looking all this time, right bros" ang lalaking nagngangalang Wayne ay lumingon sa mga kaibigan upang makuha ang sagot ng mga ito.

Nagkibit balikat ang mga ito at sabay sabay na ngumiti sa akin. "Hey apple girl" ang lalaking nagngangalang Vaughn naman ay nagsalita gamit ang mic nito kaya dinig na dinig ng lahat ng naroon ang sinabi nito.

"Apple girl?" Taka kong tanong rito saka ako napasulyap sa lalaking nag-angat na ngayon ng kaniyang cellphone, nagulat ako nang makita ko ang litratong hinarap niya sa akin. Kinuha yon ni Zarrick at mas lalo lamang siyang naging seryoso nang makita ako sa litratong yon. Parang kuha yon nang nasa bahay ampunan pa ako, nang nasa labing apat na taong gulang palang ako. "Te-teka paano niyo nakuha ang litrato kong yan? Pinutol niyo lang yan,hind ba? Kasama ko ang ibang bata sa orphanage sa litratong yan"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now