THIRTY SIX

12.9K 252 13
                                    

HINDI INAASAHAN NI Erriah ang bumungad sa kaniya pagkapasok niya sa kwarto ng kaniyang ina. Pagkatapos niyang maglagi ng isang araw sa pad ni Zarrick ay nagpaalam siyang uuwi muna sa kaniyang ina. Nagtungo naman ang lalaki sa trabaho at nagpaalam sa kaniyang susunduin siya nito mamayang gabi. It was supposed to be her quality time with her mother but when she saw her mother crying on her bed while a lot of papers were scattered on the floor, those were his father's letters for her. She knew at that moment that her mother was at it again.

"Yaya Mineng! Call Luke please!" She throws her phone to the maid who just passed through her room. Taranta naman nitong sinalo ang aparato.

Hindi niya makita ang kaniyang Tita Corralita, marahil ay lumabas ito upang ito ang mamalengke. Madalas nitong isama ang kaniyang ina sa pamamalengke but today was different, kaya naman pala.

She ran to her mother and check if she has wound. Madalas ay saktan nito ang sarili o 'di kaya ay ito ang manakit ng tao. "Mom, what happened again?" Naiiyak na niyang sabi. Looking at her mother who was still crying, mas lalo siyang nanghihina at nasasaktan.

She was stroking her back and soothing her with her sweet voice. Kinakantahan niya ng marahan ang ina nang bumukas ang kaniyang pinto. Pumasok doon si Luke na walang damit pang-itaas. Wala na siyang oras na pansinin pa ang pagkakahubad nito. Luke immediately carried her mother without asking her what happened. Doon naging alerto ang kaniyang ina, tila doon nagising sa malalim na pagkakalunod sa pag-iisip.

Patuloy parin ang pagluha nito. Hindi maampat-ampat.

"Who are you?! Is that you, Ivan?" May mga luha parin na bumubuhos sa mga mata nito. "Ivan, my man. What took you so long? You told me you love me, you're not going to choose your family, aren't you? Hindi ba ako lang? Sabihin mong ako lang!" Kalmot sa likuran ni Luke ang nagpahiyaw sa kanilang dalawa. Si Luke dahil sa sakit at siya naman ay sa pagkabigla. Taranta siyang naghalungkat sa drawer nito ng gamot nito but her medicines weren't there! Saan nanaman dinala ng kaniyang ina ang mga gamot nito?

Kailangan nila ang Tito Rael nila pero hindi na niya alam kung ano dapat ang unang gagawin. Natataranta siya!

"Yaya Mineng, check my drawer, alam kong mayroon akong gamot ni mama doon. Pakibilis nalang po" natataranta paring sumunod sa kaniya ang katulong.

Binalikan niya ang inang nagwawala na ngayon, panay parin ang kalmot sa katawan ni Luke. She was looking at Luke, paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"Huwag mo akong iwan! Ivan! Alam mo bang buntis ako! Buntis ako at magkakaanak din tayo! You can have your own family with me, ako nalang, hindi mo na sila kailangan. Huwag sila, please. I can give you a better life. I have my own business. I have lots of money"

Ang sakit makita ang ina niyang nasa ganoon nanamang kalagayan. 

Luke was telling her not to come closer, baka pati raw siya ay makalmot ng kaniyang ina. She was crying while still calling her mother's attention pero panay parin ang pagtawag nito sa kaniyang ama.

Looking at her mother state, still locked on her past, mas lalo lang siyang nanghihina at naaawa sa ina. She had been through a lot, napakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos ang sakit para dito. Pabalik-balik.

"Oh my God, Karra!" Luke's mother walked to them as fast as she could, para lamang mahawakan ang kamay ni Karra. Corralita was so apprehensive, looking at her bestfriend breaks down again.

"We have to go to Tito Rael" nangangamba na niyang sabi. Wala ngayon ang ama ni Luke kaya wala silang katulong sa pagpapakalma sa ina. Nagtawag ng mga bodyguards si Corralita para tulungan ang anak nitong puno na ng kalmot, dumudugo na rin ang tainga nito na tinamaan marahil ng mahabang kuko ng ina.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon