TWELVE

18K 354 17
                                    

HUMAHANGOS NA NAKARATING ako sa mansyon. Nadatnan ko ang tatlo na nasa silid na at nagkakatuwaan. Tumigil ang mga ito nang makita akong basang basa. Agad akong dinaluhan ni ate Harrietta na inabutan na ako ng tuwalya.

"Bakit basang basa ka!?"

"Ate, umuulan sa labas"

"Ano?! Napasarap yata kami sa tawanan at hindi namin napansin na umuulan na" ang ate niya ang nagpunas sa kaniya. "Lane pwede bang pakuha ng damit ni Erriah, dito na siya magbibihis"

Agad na tumalima si ate Lane samantalang si ate Shel naman ay naroon lang nakatitig sa akin, partikular sa aking leeg. Nakabukas ng kaunti ang bibig nito kaya naman napahawak ako roon.

Aalisin na sana ni ate Harrietta ang kamay ko ng bigla na lamang akong hinila ni ate Shel.

"Ako na ang bahala sa kaniya, kailangan niyang iligo ang pagkabasa sa ulan, lalo na at galing siyang eskwelahan at pagod. Pakidala na lang ang mga gamit sa banyo, Harrietta"

Kahit na naguguluhan ay tumango lamang si ate Harrietta sa naturan ni ate Shel samantalang ako ay nagpahila na lamang rito.

Nang makarating kami sa banyo ay padaskol na binitawan ni ate Shel ang aking mga kamay. Napatanga ako sa kaniya, marahas niyang hinila ang braso ko palapit sa maliit na bintana na naroon. Napaaray pa ako ng bumaon ng kaunti ang kaunting mahaba niyang kuko nang hawakan niya ang panga ko upang itaas ang aking ulo.

"Tingnan mo ang nasa leeg mo at sabihin mo kung ano yan at paano mo nakuha"

Naguguluhang tumalima ako sa sinabi niya. Nakita ko ang aking repleksyon sa salamin, bumaba ang tingin ko sa aking leeg at naroon nakaukit ang tila isang pantal, hindi halatang kinagat yun ng lamok o ano mang insekto kaya anong sasabihin ko sa kaniya?

Nanahimik ako.

"Siya ba?" Tanong niya.

Isa yong marka galing sa halik ni Zarrick, pagkatapos niyang ideklara na namiss niya ako ay bumaon ang kaniyang mukha sa aking leeg at doon ko naramdaman ang paghalik at pagsipsip niya doon. Marahil ay lutang at hindi pa ma-absorba ang sinabi nito ay nanatili akong walang galaw pero nang bumaha yon sa aking isipan ay agad ko siyang itinulak. Nanakbo ako, nakalimutan ko pa nga ang aking mga gamit na siyang hindi ko na tinangka pang balikan.

"H-hindi" sagot ko kahit na alam kong alam niya ang totoo.

"Hindi ka sa akin makakapagsinungaling, Erriah. Kung sakali mang nakita ng ate mo yan kanina ay tiyak na alam niya kung ano 'yan. Si Zarrick ang may gawa niyan, alam kong wala ng iba. Saan kayo nagkita?" Alam kong galit siya, sa tono ng pananalita niya ay gigil na gigil parin siya sa akin.

Bumuntong hininga ako, suko sa pagsisinungaling. "Umulan, sumilong ako sa kubo sa bukid kaya wala akong nagawa kundi manatili doon. Roon ko lamang nalaman na naroon siya, simula nang araw na hindi na niya ako pinansin pa ay kanina lamang kami nagkita. Maniwala ka, ate Shel, kahit anong gawin ko, hindi ko...hindi ko maiwasan. Hindi ko rin naman ginusto ito.." natigil ako, napatanong din sa aking sarili. "Tulungan mo akong hindi makita ni ate ang...ang markang ito"

"Ano pa bang magagawa ko?! Binalaan na kita! Bakit ba—bakit ba ang landi landi mo!"

Napatanga ako kay ate Shel. Ang salitang yon na ginamit niya sa akin, below the belt na yon! Hindi niya pwedeng gamitin sa akin ang ganoong klaseng salita. Hindi ko na napigilan ang sarili, tumama ang aking palad sa kaniyang pisngi.

"Maghihintay ako sa labas, ako ang mag aabot ng tuwalya at gamit mo" tila hindi ko siya nasaktan pagkatapos nun.

Napatulala ako sa pader ng banyo at kusang tumulo ang mga luha ko, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at kahirapan sa paghinga kaya naman kinalma ko ang aking sarili. Sobra sobra 'to para sa isang araw.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONOn viuen les histories. Descobreix ara