EIGHTEEN

16.5K 326 14
                                    

BATID KO ANG PANAKA-NAKANG SULYAP sa akin ni Zarria. Kumakain kami ngayon ng hapunan, abala si Zarrick sa pakikipag-usap sa telepono. Marahil ay 'yon ang kaniyang kuya Leandro.

Tinawag ni Zarrick ang pangalan ko pagkatapos ng tawag, hindi nito alintana ang nakatinging kakambal, nag-aabang sa kaniyang sasabihin o gagawin. Naninibago parin ako na kasama namin ito.

"You'll be sleeping beside me" tila pinal na sabi ni Zarrick, hindi hinihingi ang pagtanggi ko.

Maarteng tumaas ang kilay ni Zarria sa akin. Eksaherada itong nalabulalas. "Wow!" at napailing pa sa kakambal. "I'm here, kuya. If you don't forget. I'm with you two and I'm not going to let her sleep beside you. Ayokong may isa nanamang problema ang dumating sa atin, tama na muna si Kuya Leandro. Gah, ang sakit niyo sa ulo"

Napalunok ako nang tila wala manlang 'yon kay Zarrick. Dalawa kasi ang kama at hindi naman kalakihan ang mga 'yon, sa laki ng katawan ni Zarrick ay baka mahulog pa ako sa sahig kaya hindi rin ako pabor sa sinabi niya. Isa pa ay bakit niya nakukuhang umaktong ganito na parang hindi niya ikinokonsidera ang damdamin ko. Nasa estado ako ng pagmomove on sa kaniya, hindi ba siya pwedeng tumabi muna sa pagharot sa akin?

"She will be sleeping beside me, Kuya. You can't do anything about that. And why would she sleep beside you,ha? Unless you are planning to do nasty with her. Seriously, while I am here?" umikot ang mga mata nito sa kakambal. "And look at you, para kang ermitanyo sa looks mo. You should shave"

Pansin ko nga ang kaunting makapal na balbas at bigote niya. Hindi ko lang magawang pansinin 'yon dahil alam kong hindi naman kami okay. Buti nalang at napansin yon ni Zarria at binigyan reaksyon. .

"Ghad, mas stress pa yata siya kay kuya Leandro" pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "I know what's going on with you two" mataray itong nagtaas ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "I was there in the hospital, I visited a bestfriend and then I saw kuya. I followed him and caught him kissing your forehead. The way he looks at you I know what's going on. I know his secret desires towards young girls, hindi ka lalagpas sa kanila. He just wanted you at first because of your innocence and naiveness. You're not special"

Mukhang matapobre din yata ang kakambal ni Zarrick. Ang akala ko ay naiiba ito. Base kasi sa pag-aasikaso nito kanina sa kakambal ay aakalain kong wala itong itinatagong inis sa namamagitan sa aming dalawa ni Zarrick. Buti na lamang at ipinakita nito 'yon ng maaga.

"Look at you. Ang aga humarot, ha" inirapan niya ako. "I saw a lot of young girls following him, begging for second chances. Dang it, they were even begging for kuya to reciprocate their feelings. Oh, young d*mbasses, hindi ba nila alam na forte na ni kuya ang ganoon, basta natipuan niya, kaya niyang paikutin"

Nang muli siyang tumingin sa akin, lumamlam bigla ang kaniyang mga mata. "Don't be like me" tsaka ito umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ito. "I've been inlove for so long but I couldn't do anything but to watch him play around"

Magsasalita sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Lumabas doon ang nakatapis na lamang na si Zarrick. Walang hiya itong pumunta ng kama at humilata na doon.

"You should sleep now. We're going to Manila tomorrow, early in the morning" Ani Zarria, hindi manlang pinansin ang kakambal. Kinuha nito ang pouch at tumayo. "Lalabas lang ako, I need to go buy some clothes for us" tumingin ito sa kakambal pagkatapos ay sa akin. Walang sabi na sabi na itong lumabas pagkatapos.

Napatitig ako kay Zarrick. Mukha siyang pagod at stressed. Napabuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos.

Nang matapos ako ay nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng banyo nang mabuksan ko 'yon. Tumingin siya sa akin at napabuka ang kaniyang bibig. Napababa ang sulyap ko doon pero agad bumalik sa kaniyang mata.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now