TWENTY

17.7K 321 11
                                    

MAGKAHUGPONG ANG MGA LABI namin ni Zarrick nang maramdaman ko ang mabalahibong tuta sa aking paa, napatalon pa ako ng kaunti at napalayo kay Zarrick. Doon ko nakilala ang aso na alam kong galing pa sa treehouse ni Zarrick sa Villa Larra, the Akita Inu. Nagtaka ako nang naglalambing itong humaplos haplos sa aking binti. Ang lamig ng kaniyang balahibo, dahil marahil na rin sa malakas na buga ng airconditioner.

"Si Kupa, nandito siya!"

"I asked my friend to bring him here, sanay naman si Kupa na pabalik-balik dito"

Napatingin ako sa kwarto. "This is yours?"

"Yeah, bought it last year. My other friends also live in the same building"

Napatingin ako sa aso, lumuhod ako upang haplusin sana ang kaniyang ulo nang maalala kong baka kagatin ako nito. Napatingin tuloy ako kay Zarrick, nagtatanong kung pwede ko ba siyang haplusin.

"He knows you. He also trusts you now" iginiya niya ang kamay ko na hawakan si Kupa.

Nang haplusin ko ang kaniyang ulo ay umungol ito, gustong gusto ang ginagawa ko. Napatingin ako kay Zarrick at ngumiti, ngumiti naman siya pabalik sa akin. Kinuha ko ang aso at binuhat. Mabuti nalang at hinayaan niya akong gawin yon. Umupo ako sa kaniyang malaking kama at ikinandong ang aso.

"Ang bigat bigat niya"

"I know. Nitong mga nakaraang araw lang siya sumipag kumain kaya dumagdag ang timbang niya"

Hinawakan ko ang kamay ni Zarrick at tumitig sa kaniya. "Nandito din ako... dito lang ako. Meron kang isang Erriah na nasa tabi mo"

Ngumiti siya, ilang beses na ba siyang ngumiti ngayong araw? Nag-i-improve na siya kahit papaano. "Trust me this time, angel" hinalikan niya pa ng masuyong halik ang noo ko.

Humaplos din ang kaniyang kamay sa aking pisngi at hinalikan din ako doon.

Inilaan ko ang oras ko sa condo unit ni Zarrick hanggang tanghalain. Sabay kaming kumain sa malawak na veranda ng kaniyang kwarto. Kitang-kita ko doon ang naglalakihang gusali na katabi lamang ng gusaling kinalalagyan namin. Yumakap si Zarrick mula sa likuran ko at ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

Bumulong siya sa akin, "Sa akin ka lang, Erriah"

"Sa iyo lang ako"

Maggagabi na rin nang ibinalik niya ako sa penthouse. Naroon sila ate sa kusina at naghahanda na ng pagkain para sa hapunan. Mukhang okay na kahit papaano si ate ngayon. Panay na ang ngiti niya dahil sa mga banat ni kuya Leandro. Si Zarrick naman ay nakaupo sa tabi ko, hawak hawak ang kanang binti ko sa ilalim ng mesa. Tila wala itong pakialam sa presensya ng mga kapatid namin ngayon.

"Gusto mo ng chicken curry, Erriah?" Tanong sa akin ni ate.

Tumango ako. Inilagay naman niya sa aking pinggan ang ulam. Tumingin ako kay Zarrick na nakatingin sa aking plato. Nakakunot ang kaniyang noo, ang sungit nanaman ng kaniyang mukha.

"Let's eat, Zarrick" may kung ano sa boses ng kaniyang kapatid.

Inabot ni Zarrick ang kanin at naglagay ng isang sandok sa aking plato. Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Eat plenty" utos niya saka siya nag-umpisa nang kumain. Sila ate naman at kuya Leandro ay abala na sa kung anong pinag-uusapan.

Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay kaming nagtungo sa sala. Malamig at nakakumot na si ate sa couch habang yakap yakap siya ni kuya Leandro. Naroon din si Zarrick, nakaupo sa pang-isahang upuan. Nakaupo ako sa carpeted na sahig, sa tabi ng isahang sofa. Malayo siya ng kaunti sa akin kaya naman pansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin pagkatapos ay kina ate.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें