TEN

23.2K 419 68
                                    

HINDI AKO MAKAPANIWALA. Parang hindi ako ang nasa katawan ko.

"Ahhhh! Please, please, Zarrick"

Napabalikwas ako ng bangon na habol habol ang hininga ko. Hindi ako sigurado kung bangungot ba yon o totoo. Napatingin ako sa gilid ko at doon ko nasilayan ang patunay na hindi panaginip ang naganap. Nasilayan ko ang mapayapang mukha ni Zarrick habang natutulog. Ang kamay niya pa ay nasa loob ng aking suot na pang-itaas. Nakadamit na ako ngayon ng puti at malaking t-shirt na halata namang kay Zarrick yon.

Nalunod ako sa mga ala-alang bumaha sa akin, ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Hindi niya tuluyang napag-isa ang katawan namin dahil umiyak ako. Umiyak ako at nagmakaawa na huminto siya. Noong una ay akala ko hindi niya maririnig ang pagmamakaawa ko pero huminto siya. Nagawa niyang huminto.

Nakita ko ang pagkadismaya niya pero kahit na ganoon labis parin ang ginawa niyang pagpipigil para huminto.

Hinaplos ko ang mukha niya, naalala ko ang masuyo niyang mga halik sa akin kahit na alam kong galit siya. Gumalaw ang kamay niya sa aking tiyan at mas lalo pa akong niyakap.

"Don't leave me after this, just don't, please? Even though I am like this, a j*rk, please don't leave this as*hole, sweet doll"

Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya sa sinabi niyang 'yon. Namula ang mukha ko na hindi ko alam kung bakit kakaiba ang sinabi niyang yon sa akin, o dahil lang ba sa sexy niyang boses na kakagising lang?

"Stay with me, stay with me even though I am a complicated person" dagdag nito, nakasara parin ang kaniyang mga mata.

"Zarrick, layo.."

Doon siya napamulat sa sinabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin at imbis na lumayo siya sa akin ay mas lalo niya akong inilapit sa kaniya. Nasa itaas na niya ako at nakadapa sa katawan niya. Ramdam ko pa ang matigas niyang dibdib sa ilalim ng dalawa kong dibdib na medyo sensitibo dahil sa nangyari.

"Sabing layo,eh!" Tinulak ko ang mukha niya pero hinuli niya lang ang kamay ko at hinalikan ang likuran no'n.

"Good morning" hinalikan niya pa ang tungki ng ilong ko. "We're not going home today, I will just inform kuya Leandro about that"

"At bakit siya ang sasabihan mo? Kailangang kay ate mo sabihin. Kapatid ko yon, Zarrick, baka nakakalimutan mo. May karapatan siyang mag-alala sa akin"

"I know" niyakap ako nitong muli at pumikit. "But kuya will divert her attention from you. Siya na ang bahala sa ate mo at ako ang bahala sa'yo"

Naalala ko nanaman ang mainit na nangyari sa amin at ramdam na ramdam ko pa ang katigasan niya sa ibaba ko!

"You're blushing again" at mas lalo kong ikinagulat ay ang pagkiskis ng kaniya sa bandang puson ko. "I have a morning wood, doll, that's natural" ngisi nito.

Napatili ako at nagkakawag paalis sa kaniyang itaas. Hinayaan naman niya ako at nang makuha ko ang unan ay inihampas ko yun sa kaniyang mukha, tawa lang siya ng tawa na siyang nagpahinto sa akin.

"Tinatakot mo ako" I blurted out.

"What?"

"Parang hindi ikaw ang Zarrick na kilala ko"

Tumawa nanaman siya saka niya pa ibinuka ang kaniyang mga braso. "Come on, doll, come here. I'm the real Zarrick when I am around you. Didn't you tell me that I should let out my true self?"

Umiling ako. "No! Sinapian ka na!"

He laughed again. "Come on, baby. Give me a hug and let me kiss you"

Umiling ako. "No! Ang dami mo ng nanakaw sa akin pati na ang-shit!" Napahawak ako sa gitnang bahagi ko at doon ako napatili. Nahahawa na din ako sa pagmumura niya.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz