CHAPTER 7

1.1K 58 9
                                    

CHAPTER 7

ATHENA'S POV.

Horaaaay! Aking pov namaaan!

So ayon na nga, umakyat na kaming lahat papunta sa floor namin. Nauuna ang mga bakla sa paglalakad, kami naman ni Roxanne ang magkasabay, ang tatlong fafa naman ang magkakatabi at si Cassy, kagaya ng nakasanayan, magisang naglalakad, si Scyle naman ay masama ang titig sa kaniya mula sa likod.

Para talaga silang si Tom and Jerry.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom, nagpunta na kami sa kan'ya-kan'yang silya ng walang pansinan, dulot narin siguro ng demonyang prisensya ni Yalrine, na nakasagutan pa namin kanina bago namin sundan sina Scyle at Cassy.

=FLASHBACK=

__________________________________________

"Ayy ang taray, magka hawak pa ang kamay," ani Forth ng makitang hinila ni Scyle si Cassy papalayo do'n.

Nilingon ko sila Scyle na unti-unti ng lumalayo sa 'min tsaka ko nilingon si Yalrine at ang gang n'ya, bakas sa mukha ng mga kawal n'ya ang paghanga sa ginawa ni Scyle, samantalang ang demonyita nilang leader ay parang sasabog na sa galit.

"Easy lang, baka sumabog ka." pangaasar ko sa kan'ya.

Mula sa kawalan ay inilipat n'ya ang tingin sa akin, bakas parin sa mga mata n'ya ang gulat at inis.

Loser...

"You'll pay for this!" inis na talagang aniya.

"Then how much?" sabat ni Romnick.

"Mayaman na nga, mukhang pera parin, kaimbyerna!" dagdag ni Berton.

"Shut up you stupid!! Pagbabayaran n'yo 'to!" muling sigaw ni Yalrine sa 'min, pero hindi 'yon naging dahilan para makaramdam kami ng takot.

Walang gana parin kaming nakatingin sa kan'ya at para bang inaaral ang namumula n'yang mukha ng dahil sa galit.

"Hikahos na ba sa buhay te? Isang kahig wala paring matuka, ganon?" nakakalokong tanong ni Forth.

"Pagbabayaran daw, kelan naman tayo nagkautang d'yan?" tanong naman ni Berton.

"Aba ewan ko rin sa babaeng 'yan, kung makapagdemand akala mo inutangan!" sagot ni Romnick.

Sa barkada namin ay isang malaking kapilosopohan na ang pagiging literal. Syempre, pauso ni Cassy 'yon. Gan'yan ang trip nila, nagpapakabobo pero ang totoo ay ubod ng talino. Dancer ang mga 'yan, sila ang master dancers ng Roosevelt Monster Dancers or RMD.

Mamaya na tayo magpapakilala, balik tayo sa rambol namin hehe...

"Magkano nga?" tanong ni Roxanne. "Kanina ka pa nagpapabayad 'di mo naman sinasabi kung magkano." dagdag n'ya habang seryosong nakatingin kay Yalrine.

Nahawa narin s'ya sa sakit namin... Literalisitis, amazing!...

"Ha!" di makapaniwalang singhal ni Yalrin kay Roxanne, "Ang tapang mo na ah? Dahil ba may mga kasama ka na? Ha! Loser ka parin in any ways!" dagdag niya.

Nanatili akong nakatitig kay Yalrine at pinagmamasdan ang iba't-ibang ekspresyon ng mukha n'ya. Isang kutsarang galit, isang sandok ng inis, isang basong taray at isang banyera ng kahihiyan.

Ano ka ngayon?

Napangisi ako ng dahil sa naisip ko, tinignan ko naman si Roxanne na noon ay nakatingin lang rin kay Yalrine, na para bang hindi nito makakayang sindakin siya.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon