CHAPTER 55

451 24 7
                                    

CASSY'S POV.

Nasa sahig parin ako, puno na ako ng kahihiyan dahil sa pagtisod sa akin ni Yalrine, tiningnan ko s'ya ng masama, bakas ang tuwa sa mga mata n'ya.

"Nakakahiya, kung ako sayo tumakbo ka na paalis." mayabang na aniya sabay tawa.

Napangisi lang akong tumingin sa kan'ya kaya natigilan s'ya. Agad na tumutok sa akin ang spotlight, nabigla ang lahat habang nakikita akong nakaupo sa sahig dahil sa pagkatisod. Tiningnan ko ulit si Yalrine, ang mga ngiti n'ya ay ngiting tagumpay ngunit nginisihan ko lang ulit s'ya, at tsaka dahan-dahan akong tumayo.

Inayos ang sarili, inirapan ko ng tingin si Yalrine at diretsong tumingin sa harapan, umayos ako ng pagkakatindig at tsaka kampanteng ngumiti sa lahat.

"That's the spirit of a real beauty queen!" sigaw ng emcee, tinapunan ko pa muna ng tingin si Yalrine bago ako nagsimulang irampa ang suot ko.

"WHOOOOO CASHANNEAAAAA!!"

"GOOO BESSYWAAAP!!"

"WHOOOO AMAZIING!!"

"ANG ANGAAAASSS!!"

Napangiti ako sa sigawan ng lahat. Simple ang pagkaputi ngunit talagang elegante kung titingnan ang suot ko, bumagay daw iyon sa tindig at postura ko.

Ng matapos ang long gown ay pinapasok ulit kami sa backstage. Nagaabang na sa akin doon ang ikatlong lahi kasama sila James.

"Omg Cashang! Ayos ka lang ba?" tanong ni James, nginitian ko lang s'ya.

"Ang galing mo do'n!" nginitian ko rin si Forth,

Umupo ako at sinimulan nilang hanapin ang isang wide gown, malaki ang pagkakabukha at talagang pang Reyna. Inayos ni James ang buhok ko, nilagyan nila ng korona. Ang mukha ko naman ay dinagdagan ng make-up, nilagyan ng pampakintab ang katawan ko. Halos maiyak ako dahil bumalik ang dating itsura ko noon.

"Kaya mo 'yan Cashang! Fighting spirit!" pagpapalakas Romnick ng loob ko.

"Pagkatapos n'yan Q&A na, easy nalang 'yon." usal rin ni Berton,

"Sa lahat ng inayusan ko, sayo ako ginanahan, napakaganda mo." namamanghang sambit ni James habang kumakain ng sandwich.

"Salamat sa inyo, salamat James." pagpapasalamat ko,

"Wala 'yon, basta ba friends na tayo?"

"Oo naman."

Hindi narin kami nagtagal dahil tinawag na isa-isa ang candidates. Maya-maya ay lalabas narin ako. May pagka ball gown ang susuotin ko, nasanay narin ako nila Haezi, Hyemi at Driana, si Chardette ay s'yang nagdecide sa style ng mga damit ko. Ang Villeheart ay hindi ko alam, kanina pa ako kinakabahan dahil wala sila, gusto kong makita ang mga ate at kuya ko ngayon, kailangan ko sila para makumpleto ang lakas ko.

"Candidate number 5.."

Nakalimang kandidato na, tumayo na ako para madhanda, huminga pa muna ako ng malalim at tsaka sinanay ang sarili sa suot kong gown. Pagkatapos niyon ay Q&A na, hindi naman ako kinakabahan dahil kung ano ang pumasok sa isip ko kanina ay 'yon na ang isasagot ko.

"Candidate number 8..."

Ako na ang susunod, pumwesto na ako sa bungad ng stage para lumabas. Huminga ako ng malalim, sinamaan pa muna ako ng tingin ni Yalrine, hindi ko nalang s'ya pinansin dahil magmumukha lang s'yang tanga.

"Candidate number 9..."

"GOOOO BUNSOOOOY!!"

"WHOOOOO GO GOOO!!"

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon