CHAPTER 35- THE PAYBACK V

757 33 15
                                    


CASSY'S POV.

Araw ng LINGGO at ngayon ang araw na pinaghahandaan ng katawan ko. Ngayong araw ay wala na naman akong kalaban-laban. Mawawalan ng kakayahan ang mga kamay at paa ko na s'yang ginagapos nila. Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa maliit na kamang kinalalagian ko.

Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na alam kung kakayanin ko. Tanang buhay ko ay ngayon lang pumasok sa isip ko ang sumuko.

Kung buhay ko ang kapalit ng kaligtasan n'yo ay walang alinlangan kong ibibigay 'yon...

"Cashannea!!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Lithor,  "Bumangon ka na d'yan, araw na ng paghihirap mo bata!!" dagdag n'ya pa, napangiwi naman ako ngunit bahagya lamang dahil ramdam ko ang hapdi ng sugat sa itaas na bahagi ng labi ko.

"Hindi n'yo man lang ba ako paliliguin? Para fresh." salubong ang mga kilay n'ya ng sabihin ko 'yon,

"Huwag mo akong kinokomedya kung ayaw mong dito na kita tuloyan!" bulalas n'ya pa, napasinghal naman ako at tsaka isinuot ang boots ko.

"Edi tuloyan mo." diretsong sambit ko, napasinghal naman s'ya,

"Tapos ano? Mawawalan kami ng laruan? Hindi na." nakangising aniya, nagkibit balikat nalang ako, at tsaka sumunod sa kan'ya pababa.

Mabigat ang bawat hakbang ko, ang bawat pagyabag ng paa ko sa sahig ay bitbit ang mga ala-ala ng pamilya ko. Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay hindi na nila ako puntahan dahil mapapahamak lang sila. Nangingilid ang mga luha ko habang pinapasalamatan sa isip ko ang lahat ng saya at tawang naranasan ko sa kanilang lahat.

Isa kayo sa pinakamasayang bahagi ng buhay ko..

Salamat Ikatlong lahi...

Salamat bessywap...

Salamat Rox...

Salamat Shawn...

Sa iyo rin Drake, salamat...

Scyle... Maraming salamat sa pagmamahal, mahal na mahal kita...

Maraming salamat rin sa ala-alang hindi ko malilimutan Villeheart...

Naluluha kong tinahak ang hagdan pababa, agad ko ring pinawi ang luha. Ang mga ngiti ni Scyle ang pumapasok sa isip ko ngayon. Gusto ko s'yang mayakap ngunit mukhang imposible na. Hindi man lang ako magkakaroon ng tiyansang mahalin ng sobra ang kauna-unang lalaki na minahal ko maliban sa pamilya ko.

Gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal... Pero mukhang imposible na...

"Itali na 'yan!" bulyaw ni Lithor, agad naman akong kinuha ng mga tao n'ya, itinali ang kamay ko sa likod ng upoan, ang mga paa ko naman ay nakagapos rin, sa sobrang higpit ng pagkakagapos sa akin ay mas nawawalan ako ng pagasang makaalis at mabuhay.

Ng iangat ko ang paningin ko ay naroon na sila Ralph at Yalrine! Maging ang gang nila, ganoon rin ang humigit sa trentang bata ni Lithor, napapikit ako sa kawalan ng pagasa dahil ang mga kaharap ko ay demonyo, wala akong takas.

"Iyan ang napapala mo Cassy." bagaman nakayuko ako ay alam kong nakangisi s'ya,

"Mas'yado kang mayabang." si Ralph naman ang nagsalita, iniangat ko ang ulo ko, nais iparamdam kung gaano sila kawalang kwentang nilalang.

"Dahil may ipagyayabang naman." tugon ko, walang takot, walang kaba, walang pagaalinlangan at walang pangangatog, purong-puro ang pagiging seryoso ng mukha ko ng sabitin ko 'yon.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon