CHAPTER 9

1K 47 5
                                    

CHAPTER 9

CASHANNEA'S POV.

Habang naglalakad papunta sa parking lot ag dala ko parin ang mga sinabi ni Miss Ligiron, may punto s'ya. Hindi pupwede sa akin ang magaral sa skwelahan, may sarili kaming paraan ng pagaaral, hindi kami pupwede makipagsalamuha sa ganito karaming tao maliban na lamang kung may okasyon at kailangan naming dumalo roon.

Sa klase ng pamilya na mayroon ako ay marami talaga ang ipinagbabawal, ngunit aaminin ko kung gaano ako kaswerte kina mommy at daddy, bagaman kami ang pinaka mataas sa lahat ng pamilyang kagay namin ay kami lang rin ang nagawang sumuway sa tradis'yon at batas.

Kung bakit pa kase ako pinanganak na prinsesa...

Sumakay ako sa sasakyan ko, pinakiramdaman ko muna 'yon dahil baka maulit na naman ang nangyari kanina. Ng wala akong maramdamang kirot ay binuksan ko nalamang ang bintana, para narin makasigurado.

Tahimik at payapa akong umuwi sa bahay, ipinarada ko ang sasakyan at naglakad papasok sa mini garden, bermuda ground, at tsaka narating ang pinto.

Pumasok ako at tahimik na inilapag ang mga gamit ko, nakita ko rin ang nakahandang pagkain sa lamesa, lumapit ako ro'n at nakita kong inaayos iyon ni nanay Beth.

"Nanay Beth? Nasaan po sila Mom and Dad? Si Cyrone po?" tanong ko habang iginagala ang paningin at hinahanap sila.

"Ahhh, ang Hari at Reyna umalis, ipapayari daw ang mga isusuot n'yo para sa isang okasyon." nakangiting sagot niya.

"Okasyon? Anong okasyon naman po 'yon?" tanong ko habang nauupo sa silya.

"Aba'y hindi ko rin alam, sumama sa kanila si Cyrone, nagpasukat narin ang prinsipe, ikaw naman daw ay hindi na kailangang pasukatan dahil wala namang nabago sa katawan mo." nakangiting dagdag n'ya.

"Gano'n po ba?... Ahh maupo na po kayo, samahan n'yo ko, hindi ako sanay ng walang kasabay." nakangiting paanyaya ko, tumungo naman s'ya at naupo.

"Ayos naman ba ang skwelahan ninyo? Noong 10 year's old ka palang ay galing ka na riyan, ano nga bang inaral mo noon?" tanong ni Nanay Beth. habang kumukuha ng pagkain.

"Ahh, opo, martial arts ang inaral ko noon, ang coach ko nga ho noon ay principal na ng Roosevelt ngayon." masayang dagdag tugon ko, nagliwanag naman ang mga mata n'ya, inaanak n'ya Coach Camarino.

"Aba'y nakakatuwang marinig ang balita na 'yan." nakangiting aniya.

Nginitian ko naman s'ya at saka kami nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na lang sinabi ang nangyari sa akin kanina, wala naman sina mom and dad, baka magalala rin si Nanay kapag sinabi ko.

Tuloy parin naman sa pagtatanong si Nanay Beth sa mga pangyayari sa skwelahan, wala akong sinabi maski isa sa mga masamang nangyari sa akin, puro nakakatuwa lang ang binanggit ko.

Sabay kaming natapos sa pagkain ni Nanay Beth, kinuha n'ya ang plato ko, hinintay ko s'yang makaalis sa lamesa bago ako tumayo, nasa tradisyon namin iyon, hindi kami pupwedeng tumayo hanggat hindi tumatayo pinaunlakan o bisita namin.

"Nay Beth? Mauna na ho ako sa taas, pakisabi nalang kina mom and dad na nagpahinga na 'ko, salamat." habilin ko kay Nanay Beth, tumango naman s'ya kaya mabilis akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto ko.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama, ipinikit ko saglit ang mga mata ko at tsaka pinatunog ang mga buto ko.

Sobrang lakas ng tunog ng mga buto ko, sobra nga talaga akong napagod kanina...

Tiningala ko ulit ang kisame, doon ko lang napansin ang mga kumikinang roon. Dyamante at ginto ang nakikita ko, iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Dalawang classroom ang laki non, at nasa gitna ang kama, may mga sifa sa gilid, may ref, may C.R, TV at kung ano ano pa, para s'yang bahay na nasa loob ng bahay.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon